Lunes, Marso 5, 2012

My Little Pretty Bride [part 07]

"okay ka lang ba anak?" tanong sa akin ni tatay pagkakita niya sa akin kinaumagahan ng Linggo

"opo naman tay, bakit naman po?" pagtatakang tanong ko kay tatay

"narinig kasi kita kagabi iyak ka ng iyak tignan mo yang mata mo namumugto, anong problema mo anak?" nabigla ako sa sinabi ni tatay hindi ko akalain na alam niya pala na umiiyak ako kagabi

"wala po yun tay, okay lang po ako wag niyo na po ako alalahanin pa" pag - iwas ko kay tatay, alam ko naman na may ideya na siya kung bakit ayoko na lang talaga pag - usapan pa

pinilit kong ibahin ang bagay na pag - usapan namin ni tatay, hangga't maari iniiwasan kong mabanggit si Jake sa usapan, o maibalik sa pag - iyak ko huwag ngayon, natapos kaming mag - agahan ni tatay na parang nakalimutan na namin ang nangyari kagabi, agad ko namang niligpit ang kinainan at nagsimula na rin akong mag - ayos ng bahay naisip kong magsimba kahit ako lang mag - isa dali - dali akong nagbihis at nagtungo ng simbahan

nakarating ako ng simbahan at nakinig na sa misa, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maialis sa isip ko ang nakita ko kagabi, ang naging tawagan ni Jake at ng babaeng iyon, ang masaya niyang kwentuhan at ang hahalikan nilang dalawa na aakalain mong magkasintahan, hindi ko mailagay ang isip ko sa misa alam ko kasalanan ito pero alam ko ang simbahan ang isa sa mga lugar kung saan magiging kalmado't maayos ang isipan ko

natapos na din ang misa pilit kong makinig sa sermon ng pari hindi ako nagkamali kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko, ang sakit at kalungkutan na nararamdaman ko kahit wala akong karapatan dahil umasa lang ako, umasa ako na mamahalin din ako ni Jake pero nagkamali ako nagpadala sa damdamin ko kaya ito ako ngayon talunan

"miss, okay ka na ba?" tanong sa akin ng isang lalaki sa aking likuran habang ako ay papalabas na ng simbahan

lumingon ako para tignan ang lalaking ito, matangkad ito maputi maamo ang kanyang itsura at nakangiti sa akin, hindi ko kilala ang lalaking ito ngayon ko lang siya nakita

hindi ako nakasagot sa kanyang tanong, kahit nakangiti siya sa akin hindi ko pa rin alam ang sasabihin, napakaganda ng ngiti nito aakalain mong bata dahil sa masaya at positibo niyang aura

"oo nga pala, ako pala si Paul" sabay abot niya sa akin ng kamay niya para makipagkamay sa akin, inabot ko naman ito at nakipagkamay din

"Grace" ang tanging tugon ko sa kanya

hindi sa pangbabastos sa kanya hindi lang siguro maganda ang pakiramdam ko kaya tumalikod na akong muli para makauwi na sa bahay, wala akong ganang makipagkilala sa ngayon

"nakita kitang umiiyak kagabi, okay ka na ba?" bagay na nagpahinto sa akin sa paglalakad nagpunta siya sa aking harapan para ako ay makausap biglang pumasok sa aking isipan ang lalaking nabangga

"ikaw?" ang tanong ko sa kanya na kanyang sinang - ayunan

hinawi niya ang aking buhok sa bandang tenga "maganda ka pala talaga e, huwag ka ng iiyak ha" sinabi niya sa akin habang nakangiti

"sino ba ang lalaking ito?" natanong ko sa sarili ko habang litong - lito sa nangyayari

"pasensiya ka na kagabi" nasabi ko sa kanya

"gusto mo bang kumain?" pagyayaya niya sa akin

"hindi na, mejo busog pa naman ako kailangan ko na rin kasi umuwi sa bahay" nginitian ko siya sa pagtanggi sa kanyang pag - alok, hindi ko siya kilala pero ramdam kong hindi siya masamang tao

"mauuna na ako sa iyo"

bigla niya akong hinawakan sa balikat "ano ba talaga ang intensiyon ng lalaking ito?"

"yung babaeng nakita mo kagabi si Kate yun, girlfriend ni Jake galing abroad" bagay na talagang ikinabigla ko, unti - unting bumabalik ang sakit na naramdaman ko kagabi

"kung may girlfriend pala siya bakit ganun siya sa akin? pinaglalaruan niya lang ba ako? ginawa niya lang ba akong kapalit habang wala ang girlfriend niya? bakit kailangan niya akong gamitin at paglaruan ang nararamdaman ko sa kanya?" maraming tanong ang pumapasok sa isip ko, unang beses kong masaktan ng ganito hindi ako akalain na ang nararamdaman ko kay Jake, ang paghahangad ko ng maganda para sa amin ay bunga lamang pala ng aking pag - aasam at mananatiling pangarap dahil may girlfriend na siya habang ako umasa na magiging kami, na magmamahalan kami

"hindi ako magaling magpayo pagdating sa love love na yan" nagsalita siya kaya napalingon ako sa kanya at makitang muli ang kanyang maamong mukha

"pero andito ako para damayan ka, para makinig sa mga hinanakit mo, andito ako para sayo" hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon sa kanyang sinabi, isang lalaki na handang makinig sa akin ngunit ngayon ko lang siya nakita

tinignan ko siya para ngitian sa kanyang mabuting pakikitungo sa akin

"pwede ko ba malaman kung sino ka ba talaga?"

"paano mo nga pala ako nakilala, dahil lang ba kagabi?"

ngumit siya sa akin "ako nga pala si Paul Francis Martin, ang inyong lingkod" nakakatuwa dahil bigla pa itong yumuko sa aking harapan tumayo ulit ito at ngumiti sa akin

napansin niya siguro na halos pinagtitinginan na kami ng mga tao sa may simbahan, lumapit siya sa akin para ako ay bulungan

"pinsan ako ni Jake, and I think I like you" tinignan ko lang siya habang nakangiti siya sa akin

Linggo, Marso 4, 2012

My Little Pretty Bride [part 06]

Athena's POV

mahal ko na ba talaga siya? mahal niya rin ba kaya ako? hindi niya lang ba ako pinagttripan o sadyang sweet lang siya kaya ganun pero nagkiss kami, ano ibig sabihin nun?

maraming pumapasok sa isip ko hindi ko na nga halos alam ang gagawin, nababaliw na ata ako, ito ba talaga ang feeling na inlove? ewan ko naguguluhan ako pero kung ito na nga iyon, itong bagay na talagang nagpapasaya sa akin ng higit pa, hinding - hindi ko na palalagpasin pa

panay na ang tukso sa amin ng classmates namin sa school, madalas na kasi kami lang ang magkasama bagay na naiintindihan ni Chloe, kami na palaging magkasama sa break - time, kapag may free time kami rin ang magkasama nakakahiya pa nga kasi minsan niyayaya siya ng mga kabarkada niya

"pre, wala daw practice mamaya tara inom tayo kila Mico" pagyayaya sa kanya ni Neil basketball buddy niya

"ah ganun ba, good!" sabi ni Jake

"oo may meeting si coach, ano kita na lang mamaya" sabi sa kanya ni Neil

"sorry pare pass muna ako" pagtanggi ni Jake na kinabigla ko, nagulat na lang ako na bigla akong inakbayan at kinindatan ako

"ah okay sige sige pare alam ko na, galingan mo ah!" pang - aasar sa kanya ni Neil

"siraulo! next time na lang pre pakisabi sa kanila" sagot ni Jake kay Neil habang kami naman ay naupo sa may bench ng gym

"dapat sumama ka na sa kanila mamaya, nakakahiya naman sa kanila" sabi ko kay Jake habang nakatingin ako sa kanya

"baby girl, ayaw mo ba akong makasama" sabi niya sa akin na talagang kinagulat ko "baby girl?" sino? ako? kelan pa? jusko naman

"baby girl ka jan, ano ka ba naman magtigil ka nga tsaka nakakahiya naman sa mga kabarkada mo" sabi ko sa kanya, ewan pero bigla akong nahiya, hindi ako makatingin sa kanya

"may gusto kasi kitang makasama, magulo lang yung mga yun e mas gusto kong alagaan ang baby girl ko e" sagot niya sa akin sabay hawak sa ilong ko

*sa isip ko*
"utang na loob huwag kang ganyan Jake kinikilig ako, huwag ka sasama sa kanila ha"

"ano ka ba naman Jake okay lang ako, tsaka malaki na ako hindi ako na ako baby!" ewan ko ba nagpapapilit ba ako, ano ba talaga to kinikilig na ako

"basta, dito lang ako sa tabi mo at para sa akin ikaw ang baby girl ko" sabi niya sa akin sabay alok sa akin ng meriendang binili namin kanina

masaya kami sa piling ng isa't isa, masaya kami na ganito ang nagiging takbo ng kung anuman to sa pagitan naming dalawa yung pakiramdam na wala na akong mahihiling pa kundi sana magtuloy - tuloy ito na maging masaya kami palagi magkasama ni Jake

"baby girl" lumingon ako para kung sino ang tumawag yun pala si Chloe lang nilakihan pa niya boses para maging tunog lalaki

"dismayado ka noh?" pang - aasar sa akin ni Chloe

"hindi ah ikaw talaga alam ko naman boses niya" sabi ko sa kanya

"uy talagang alam na alam mo na lahat pagdating sa boyfriend mo ah" bagay na ikinabigla ko sa kanyang sinabi

"ano ka ba Chloe, hindi ko boyfriend si Jake, magkababata lang kami nun, alam mo naman yun di ba, close lang kami nun" pag - iwas ko sa kanya pero naisip ko "magkaibigan lang ba talaga kami, hindi bat parang mahal ko na siya?"

"ano magkaibigan lang kayo? hoy Grace Marie Candare magtigil ka ah, kung maglampungan nga kayo ganun ganun na lang tapos sasabihin mo sa akin close lang kayo?" pasigaw na sabi sa akin ni Chloe

"wag ka naman sumigaw nakakahiya, hinaan mo nga yang bibig mo Chloe" sabi ko sa kanya, napalingon ako sa paligid kung may nakarinig mabuti at wala masyadong tao

"hindi naman kasi kami, pero ano ewan basta masaya kami, masaya ako kapag kasama ko siya, binibigyan niya ako ng kung anu - ano, palagi kaming magkasama, hatid sundo niya ako dito sa school pero hindi naman niya ako tinatanong sa bagay na yun e, kung gusto niya akong maging girlfriend" sabi ko sa bestfriend ko, ewan ko pero bigla din akong nalungkot sa katotohanang hindi naman talaga kami, wala kaming relasyon kundi magkaibigan lang

"bakit hindi mo siya tanungin?" suggestion sa akin ni Chloe

"ano ka ba nakakahiya kaya?" sabi ko sa kanya

"anong nakakahiya dun? e tatanungin mo lang naman siya kung kayo o hindi e karapatan mo malaman yun Grace" sabi niya sa akin, naguguluhan ako tama bang gawin ko yun

"kausapin mo siya ng masinsinan, itanong mo sa kanya kung ano ba talaga kayo, ramdam ko Grace na mahal mo si Jake kaya karapatan mong alamin kung ano ba ang estado niyong dalawa" bagay na talagang nagpagulo ng isip ko, hindi ko alam ang gagawin ko at iisipin ko, mahal ko si Jake pero hindi ko alam kung mahal niya rin ako o talagang magaan lang ang loob niya sa akin, sinabihan niya ako aalagaan, po - protektahan wala lang ba yun?

napapayag din ako ni Chloe na gawin nga yun, nakapagdesisiyon na akong tanungin si Jake ng tungkol sa amin, sasabihin ko ng mahal ko na siya, siya ang unang lalaking minahal ko, sa kanya ko lang naramdaman ang mga bagay na ito, gusto kong malaman kung ano ba talaga kami, kung mahal niya rin ako

hindi kami nagkita ni Jake kahapon, hindi niya ako sinundo sa bahay pagdating ko lang sa school nalaman na absent siya may kailangan daw silang puntahan pamilya sa Maynila kaya hindi ko siya nagawang kausapin kaya napag - isipan kong dalawin siya ngayon, tamang - tama walang pasok kaya nagdala ako ng konting merienda para sa kanya

pagdating ko sa mansyon nila napansin kong may ilang kotseng nakaparada, hindi ko pa nakikita ang mga ito sa kanila nalaman kong may mga bisita pala sila kaya nagpasya na lang ako na magpunta muna ng opisina para bisitahin si tatay tanungin na rin kung sino ang bisita nila Don Jaime

nakita ko si Jake nakaupo malapit sa may puno kaya nagmadali akong lumapit dito ng biglang narinig ko na tinawag siya

"Babe!" tawag sa kanya ng isang babae, palapit ito kay Jake na may dalang merienda

"Babe, dito! " sabi ni Jake sa babae at naupo silang dalawa sa may puno, magkatabi silang dalawa ang masayang nagtatawanan

"babe?"

"bakit babe ang tawag niya?"

"sino ang babaeng yun?"

tanong ko sa sarili ko hindi maganda ang kutob ko, parang sumisikip ang dibdib ko hindi ko gusto ang nakikita ko

"babe" sabi nung babaeng katabi niya nagulat na lang ako at bigla na lang silang naghalikan

napahinto ang lahat sa paligid ko, hindi ko namalayan na nabitawan ko na pala ang dala kong pagkain sa kanya

"sino siya? bakit niya hinalikan yung babaeng katabi niya?" naibulong ko sa sarili ko sabay pagpatak ng mga luha sa aking mga mata wala na akong ibang nagawa kundi umiyak naisip kong tumakbong palayo at umuwi na lang ng may makabangga akong isang lalaki

"sorry po" sabi ko sa kanya sabay takbong palayo pabalik sa bahay namin

"miss okay ka lang ba?" narinig kong sigaw sa akin nung lalaki pero hindi ko na nagawang lumingon at sagutin ito

"sino siya? girlfriend niya ba yung babaeng yun? niloloko lang pala niya ako, niloloko niya lang ako" umiiyak akong sinasabi sa sarili ko habang mabilis na tumatakbong palayo sa kanila

"umasa ako, umasa akong mahal niya rin ako naniwala akong nagmamahalan kami, masaya kami sa isa't isa pero hindi, ang tanga - tanga ko, ang tanga ko"

Huwebes, Marso 1, 2012

My Little Pretty Bride [part 05]

hindi ko lubos maisip na ganito ang magiging pakiramdam ng talagang masaya, nakukuha ko ang lahat ng gusto ko, nangyayari ang mga bagay bagay kapag ginusto ko pero iba tong nararamdaman ko hindi ko mapaliwanag ang alam ko lang gustung gusto ko ang mga nangyayari sa amin ngayon ni Grace

mas naging malapit kami lalo sa isa't isa ni Grace kahit panay pa rin ang iwas niya sa akin sa school kahit papaano sumasama sama na siya sa akin, ramdam ko na iniiwasan niya ako kung may pagkakataon dahil kaya sa nangyari sa ilog?

"pare tulo laway ka na oh, bawas pogi points kay Grace yan e" pang - aasar sa akin ni Mico habang pinagmamasdan ko si Grace kasama ang bestfriend niya na kumakain di kalayuan

"ewan ko sayo! huwag kang magulo wala ka sigurong nauto ngayon noh" sabi kay Mico na patuloy pa rin sa panggugulo

nahalata siguro nila Grace ang kaguluhan namin ni Mico kaya napatingin sila sa amin na tila nagtatanong kung anong nangyayari, lumaway na lang ako at ngumiti nagsign ng okay para sabihing okay ang lahat, napangiti naman siya at nagpatuloy na sa pagkain

"nga pala pare may balita ka pa ba kay Kate?" tanong sa akin ni Mico

bigla akong natauhan sa tanong sa akin nakalimutan ko na siya halos, si Kate o Katherine Marie Sy ay kababata at girlfriend ko, ewan ko kung maituturing ba na girlfriend yun kasi hindi naman kami ganoon magkagusto aminado ako napakaganda ni Kate, chinita siya may mapupulang pisngi, matangos na ilong, maputing balat at sexy na pangangatawan kahit sinong lalaki pagpapantasyahan siya e problema masyadong kikay, masyadong maarte wala kami halos ginawa nun kundi magshopping, manood ng sine na puro kadramahan at mag - attend ng party kaliwa't kanan

may lahing intsik sila Kate kaya madalas ang pagpunta nila abroad sa pagkakaalam ko kasi ang major businesses ng pamilya nila nasa China, nagustuhan lang talaga niya ang Pilipinas dahil na rin pinay ang kanyang mommy

"nakachat ko lang nung isang gabi, ayun nangangamusta" sabi kay Mico

"kelan daw uwi nila dito?" tanong niya sa akin

"hindi ko alam e, hindi naman namin napapag - usapan kapag magkachat kami wala naman kaming ibang pinag - uusapan nun kundi mg bago niyang damit at kung anu - ano pa" sabi ko sa kanya na may halong pagkaasar

"kaya ba naghahanap ka ng iba?" bulong sa akin ni Mico akala niya siguro hindi ko narinig

"tara na tapos na break natin, balik na tayo sa practice" pag - aayaya niya sa akin

"naghahanap nga ba ako ng iba dahil ayoko ng mga bagay bagay sa amin ni Kate o talagang may mahal akong iba na masaya ako kapag kasama ko siya" bulong ko sa sarili ko sabay hingang malalim

hindi ko naman talaga gusto si Kate oo kahit sinong lalaki nagkakandarapa sa kanya, kahit sinong lalaki gustong maging girlfriend siya kaso iba talaga ang tipo kong babae, iba ang gusto ko, iba ang nagpapasaya sa akin, iba ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon kung hindi lang naman kami ipinagpilitan sa isa't isa ng mga magulang namin baka hindi ko yun niligawan, magkasosyo ang mga magulang namin walang choice kailangang sundin

natapos ang practice ng team namin si Grace tumupad sa usapan namin naghintay siya nanood siya ng practice game namin ang sarap ng pakiramdam ng may nagccheer sayo, kaya todo ang pakitang gilas ko kanina
sabay kaming umuwi, sa loob ng kotse wala kaming ginawa kundi magtawanan, kwento sa mga nangyari sa loob ng classroom, sa meeting ng org nila at mga kakaibang face expressions ko raw habang naglalaro ang weird gusto kong mainis pero iba natutuwa ako sa kanya habang demonstrate niya mga itsura ko
ilang minuto lang nakarating na kami ng bahay nila, inalalayan ko siyang makababa at hinatid hanggang pintuan ng bahay nila

"thank you Jake, goodnight" sabi sa akin ni Grace

"wala yun, pahinga ka na ha ay kumain ka pa pala muna hehehe see you tomorrow" sabi ko sa kanya

"goodnight Gr----" hindi ko na natuloy ang nasabi ko ang alam ko na lang hinalikan niya ako sa pisngi, ewan ko pero napatulala ako kita ko siyang pumasok ng pintuan habang ako pabalik ng kotse hawak hawak ang pisnging hinalikan niya

habang nasa biyahe hanggang sa makauwi ako ng bahay dala - dala ko pa rin ang ngiti sa mukha ko, para nga daw akong ewan sabi ni mommy pero hinayaan ko na lang siya, umakyat ako ng kwarto ko at doon ako nagsusumigaw sa tula, para akong bata na talon ng talon sa kama

"iho anak anong nangyari?" biglang pasok ni mommy ng kwarto, napahinto ako sa pagtalon sa kama

"bakit mommy?" tanong ko sa kanya

"nagulat kami sa baba, narinig naming sumisigaw ka kaya napatakbo ako sa pag - akyat dito" sabi ni mommy sa akin halata nga na humihingal pa

"sorry mommy wala po ito" nilapitan ko si mommy sabay hinalikan sa pisngi para magsorry sa sobrang saya ko napalakas nga talaga ang sigaw ko

"hay naku ikaw talagang bata ka, magbihis ka na para sabay - sabay na tayong kumain" sabi sa akin ni mommy

natatawa na lang ako sa nangyari pero masayang masaya ako sa kiss na yun nagmadali na rin akong magbihis para samahan nila mommy at daddy na magdinner

masaya naging kwentuhan namin habang kumakain ng dinner may natutunan daw kasing joke si daddy sa mga kasamahan niya sa golf, tawa kami ng tawa kasi ang corny ng mga joke ni daddy

daddy: knock knock
mommy: who's there?
daddy: 0915
mommy: 0915 who?
daddy: 0915 someone like you, i wish nothing but the best for you
nagkatinginan kami ni mommy sabay tawa ng malakas, napakacorny ng joke na yun

"daddy ang corny!" sabi ko kay daddy sabay tawa ng malakas

wala na rin nagawa si daddy kundi mapatawa na rin natapos namin ang dinner namin na masaya at masakit ang tiyan kakatawa, nanood muna ng TV sila mommy bago matulog ako naman umakyat sa kwarto at nagsimulang magsurf sa internet

pagbukas ko ng IM biglang nagpop ang msgs ni Kate, online pala ito

PrincessKate: hello babe miss you!
PrincessKate: babe do you miss me too?
PrincessKate: can't wait to see you
after 3mins
HunkyJake: babe musta, slr
PrincessKate: okay lang, alam ko naman busy ka sa school e
HunkyJake: :)
PrincessKate: miss na kita babe!
HunkyJake: me too :)
PrincessKate: i have a surprise for you
HunkJake: really? ano naman yun?
PrincessKate: uuwi na ako sa makalawa!
HunkyJake: ano?

hindi ko alam kung bakit natigilan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi sa ayaw ko siyang makita pero . . . ewan ko alam ko lang hindi ako excited sa pagbabalik niyang muli