Miyerkules, Pebrero 29, 2012

My Little Pretty Bride [part 04]

Jake's POV

"iho bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo" saway sa akin ni mommy

"mukhang babae na naman ang iniisip ma, ang laki ng ngiti e" pang - aasar sa akin ni dad

"daddy talaga, wala po mommy kakain na po ako" sabi ko sa parents ko pagkatapos nilang mapuna na nakatulala ako

"iho kamusta ang pag - aaral mo?" tanong sa akin ni mommy

"okay naman mommy, maayos naman po nakakapasa naman po ako sa mga exams and recitations" sagot ko kay mommy sabay kain ng dinner

"Jake anak may girlfriend ka na ba ulit?" biglang tanong sa akin ni daddy na ikinagulat ni mommy ako naman napangiti lang

"dad, ano ka ba naman bata pa yang si Jake" sabi ni mommy dahil sa pagkainis sabay turo sa akin dahil nakita akong nakangiti

"bakit naman hindi? sayang naman ang gandang lalaki ng pamilya natin kung pagbabawalan mo lang yang anak mo, di ba anak ano may napupusuan ka na ba?" sabi ni daddy sa amin ni mommy ako naman natatawa na lang sa kanilang dalawa

"haha hey hey awat na haha, wala pa akong girlfriend dad pero may nagbibigay na ng inspirasyon sa akin" sabi ko sa kanila pero tinitignan ko ang reaksiyon ni mommy

"kayo talagang mag - ama, ikaw daddy ah kinukunsinte mo" sabi ni mommy kay daddy sabay turo nito

"Jake ha kapag bumaba ang mga grades mo patay ka sa akin" sabi ni mommy hanggang sa nakita kong ang laki na ng mata nito sa akin, natatawa tuloy ako kay mommy

"yes mommy promise yan, nga pala may lakad ako bukas ah punta ako ng ilog" sabi ko kay mommy at nagpaalam na rin sa kanila sa lakad namin ni Grace

"hmmm anong meron iho? mukhang ngayon ka na lang ulit pupunta doon ah" sabi sa akin ni daddy

"yup kaya nga naisip ko na puntahan yung ilog ulit matagal tagal na din kasi, kasama ko si Grace" sabi ko kay daddy at mommy, noong maliit pa kasi ako madalas kasi akong tumatambay sa ilog na yun maganda kasi ang lugar malinis pa ang tubig palaging si Joey lang ang kasama ko doon

"Grace?" sabay na tanong ni daddy and mommy

"bakit gulat na gulat kayo? si Grace yung anak ni Mang Manny remember?" paliwanag ko sa kanila

"ah okay akala ko kung sinong Grace, magandang bata ang anak na yun ni Manny" sabi sa akin ni daddy

"iho anak alagaan mo si Grace ah, huwag mong lolokohin yun, huwag mong hayaang masaktan si Grace napakabait na bata yun, maswerte si Manny sa kanya matalino pa, halos lahat nga e alam ng batang yun, iho ha huwag mong pababayaan yun" paalala sa akin ni mommy na mejo nagiging seryoso na siya nakangiti na lamang ako sa kanya

"relax mommy, mamamasyal lang kami doon weekends naman e dun kami magu.unwind habang walang pasok" sabi ko kay mommy

"o sige magpapahanda ako kay manang bukas ng pagkain para hindi kayo magutom ni Grace bukas" sabi sa akin ni mommy

"thanks mom" sabay kiss ko kay mommy

"halika na tapusin na natin ang dinner natin para makapagprepare ka na sa lakad niyo bukas" sabi sa akin ni daddy

"hehe thanks dad" tinapik ko ang balikat ni dad, bumalik na rin kami sa pagkain at tinapos ang aming dinner after nun nag - ayos na rin ako ng mga gagamitin bukas, hinanap ko yung fishing rod na matagal ko ng hindi nagagamit "im sure magugustuhan ni Grace ang mangisda doon sa ilog" maaga na rin akong natulog nakakahiya naman kung mahuhuli ako ng dating sa kanila

maaga akong nagising, nagpapogi ako at nagpabango talaga para kay Grace, nakahanda na lahat ng mga gamit nakalagay na rin sa sasakyan, handa na ang lahat kaya nagpaalam na rin ako kila mommy at daddy pumayag naman sila at nagsabi na lang na mag - iingat at mag - enjoy kami sa date este lakad namin ni Grace
ilang minuto lang ang naging biyahe ewan ko pero sabi ko kay kay Mang Toni (driver ni daddy) na kung pwede bilisan pero habang papalapit kami kila Grace kinakabahan naman ako lalo, sana maguatuhan niya, sana mag enjoy siya kasama ako, ito nga nakarating na rin kami sa kanila

"Grace!" "Grace Marie!" sigaw ko sa labas ng bahay nila

"huwag ka ng sumigaw mahal na prinsipe, anjan na ako" sigaw din sa akin ni Grace

"huwag daw sumigaw e mas malakas pa boses niya sa akin" bulong ko sa sarili ko sabay tawa ng mahina
ilang saglit lang ay may isang babaeng lumabas sa may pintuan ng bahay, nakadilaw itong dress simple ngunit bagay na bagay sa kanya, dagdagan mo pa ng masigla at maamong mukha niya

"wow ang ganda niya Sir Jake sabi ni Mang Toni sa akin

"oo nga e nakakamangha yung ganda niya, sapakin mo nga ako baka nananaginip lang ako" sabi ko kay Mang Toni saka lumapit na kay Grace para sunduin siya

"hmmmm... bakit ganyan ka makatingin, pangit ba suot ko? takang tanong sa akin ni Grace

"ehem hi miss beautiful napakaganda mo ngayong araw, kasing ganda mo ang buong paligid, pwede ba malaman ang iyong pangalan?" pabiro kong sabi sa kanya kunwari hindi ko siya kilala

"ang sama mo noh ikaw na lang pumunta ng ilog" pagmamaktol niya sa akin

"teka lang, teka lang Grace hindi ka naman mabiro e tara na?" sabi ko sa kanya sabay yaya na sa ilog

"hmpf! tay paalis na kami ni Sir Jake" sigaw ni Grace sa bahay nila

"ano ka ba naman, Jake na lang wala ng iba, wala ka ng itatawag pa" sabi ko kay Grace

"Mang Manny aalis na po kami paalam ko sa kanyang tatay

lumabas naman ito para sabihing mag - ingat kami, sumakay na kami sa sasakyan inalalayan ko si Grace pumasok at umalis na rin kami, kita pa sa bintana na nakatingin pa sa amin si Mang Manny
magkatabi kami sa sasakyan ni Grace habang tintahak ang daan papuntang ilog hindi pa rin ako makapaniwala na may magandang babae akong katabi, hindi na natanggal ang pagtitig ko sa kanya tahimik sa loob tanging kabog lang ng puso ko ang naririnig ko

"may dumi ba ako sa mukha mahal na prinsipe este Jake? tanong niya sa akin habang nahuli niya akong nakatingin sa kanya

"ahh wala, wala naman nakakagulat ka kasi e" sabi ko sa kanya

"ang ganda ganda mo ngayon Grace sobra" sabi ko sa kanya nakita ko naman siyang napangiti sa nasabi ko

"salamat Jake" halatang nahiya siya hindi kasi ito nakatingin sa akin bagkus nakayuko habang nagpapasalamat
hindi ko namalayan na nalarating na kami sa may ilog, hindi ko rin kasi maiwasang hindi siya titigan sana hindi na matapos ang araw na to, lalo na kasama ko si Grace

huminto na ang sasakyan, pagkabukas ng pintuan inalalayan ko si Grace na makababa, nakakamangha pagmasdan ang lugar tulad ng dati napakaganda pa rin nito walang pinagbago

"wow grabe ang ganda dito mahal na prinsipe" sa sobrang pagkamangha ay napasigaw talaga si Grace

"mas maganda ka pa rin Grace" sabi ko sa kanya

"ano yun? may sinasabi ka?" biglang tanong niya sa akin

"ano, maganda talaga dito, mabuti nagustuhan mo maganda talaga dito sa may ilog" pinagpawisan ako bigla di ko alam ang pagtatakip sa nasabi ko

hinawakan ko na ang kamay nito sabay pagyaya sa kanya malapit sa ilog, sumama naman ito sa akin na masaya at excited

nakarating kami sa may ilog pareho kaming namangha na malinis at malinaw pa rin ang tubig dito, masarap at malamig din ang simoy ng hangin kaya tamang - tama sa aming lakad ngayong araw

natapos ng ayusin ni Mang Toni ang mga pagkain kaya niyaya ko ni si Grace pati na rin si Mang Toni na maupo na at kumain muna ng almusal, tumugon naman sila sa sabi ko, masarap na pagkain, magandang paligid at taong mahalaga sayo napakasarap nito, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito ewan basta alam ko masayang masaya ako

pagkatapos kumain pahinga kami saglit at nagsimula na kaming maglakad lakad ni Grace, nililibot ko siya sa lugar kinukwentuhan ng mga bagay mula sa pagkabata ko dito sa lugar na to

"ang saya mo siguro noon noh, solo mo ang lugar napakaganda dito" sabi sa akin ni Grace habang kita siyang nakatingin sa paligid suot ang napakaganda niyang ngiti

"mas masaya ako ngayon kasi ikaw ang kasama ko dito" sabi ko sa kanya habang nakatitig ako sa maganda niyang mukha buti na lang mahina at hindi niya ganun narinig bagkus ay nginitian ko lang siya

kitang kita ko ang kasiyahan ni Grace sa lakad naming ito mas matindi ang kasiyahang dulot nito sa akin, tuwang tuwa akong makita siyang masaya

nagsimula kaming magtampisaw sa may ilog, mababaw kasi ang gilid nito kaya bakapaglakad - lakad kami sa tubigan, nakakatuwa dahil may mga maliliit na isdang tila nakikipaglaro sa amin hanggang sa napagpasyahan naming subukan ang mangisda doon, tinuruan ko siya kung paano ang tamang paggamit ng fishing rod, mga techniques para maging maayos ang pangingisda namin ganun na rin ang pag - ahon ng nahuli mabuti na lang tanda ko pa ang lahat kahit matagal ko ng hindi nagagawa

tuwang tuwa kami dahil pagkatapos ng matagal na paghihintay ay nakahuli din si Grace, nakakatuwa siyang pagmasdan habang masayang nakahuli ng isda gamit ang rod, madalas daw kasi malaking net lang gamit sa panghuhuli

"tara lutuin na natin yan" yaya ko sa kanya habang hawak ang isda

"ay ayoko, huwag nating kainin saka na papakita ko muna kay tatay yung nahuli ko" sabi niya sabay ngiti sa akin

"magluluto ako gamit ang isdang to, bibigyan kita ihahatid ko sa mansiyon" sabi niya sa akin na ikinatuwa ko, hindi ko akalain na ipagluluto niya ako

"sige ah, sarapan mo sa pagluto aabangan ko yan" hamon ko sa kanya habang kita siyang hawak hawak pa rin ang huling isda

kumain na kami ng pananghalian kasama si Mang Toni, masayang kwentuhan ang naganap lalo na sa mga kwento ni Mang Toni, ang dami niyang baong kwento tungkol sa kabataan niya at kanyang mga karanasan
nagpasiya ulit kaming mamasyal ni Grace nagdesisyon kaming maupo sa puno malapit sa ilog, pinagmamasdan ang unti unting paglubog ng araw, kwento siya ng kwento tungkol sa buhay nilang mag - ama pakiramdam ko tuloy kilalang kilala ko na siya na kahit sa kwento naging parte ako ng nakaraan ni niya

"Jake" sabi niya sa akin

"hmmm bakit? may gusto ka ba?" tanong ko sa kanya ngunit umiling lang ito

"salamat sa pagsama mo sa akin dito ah, napakasaya ko" masayang sabi sa akin ni Grace

"wala yun, yun naman talaga ang purpose ng pagpunta natin dito ang mapasaya kita, sabi ko naman sayo gagawin ko ang lahat para mapasaya ka di ba, simula pa lang to Grace hindi ko na hahayaang makaramdam ka ulit ng kalungkutan" sabi ko sa kanya sabay hawak ko sa mga kamay niya

"Grace hindi mo lang alam pero ibang kasiyahan ang nararamdaman ko kapag nakikita kong masaya ka lalo na kapag magkasama tayong dalawa" sabi ko sa kanya habang nakatitig ako sa mga mata nito
matagal din kaming nagkatitigan ni Grace parang huminto ang lahat sa amin, napakatahimik at tila mas lumamig ang ihip ng hangin ang sumunod ko na lang na nalaman ay magkalapat na ang aming labi, hinahalikan namin ang isa't isa

Martes, Pebrero 28, 2012

My Little Pretty Bride [part 03]

nagpatuloy ang ganitong samahan namin ni Jake, nakakapagtaka at nakakatakot kasi lalo siyang nagiging maalaga pagdating sa akin, ewan ko kung ganun siya sa iba niyang kabarkada wala pa kasing gumagawa sa akin ng ganoong klaseng treatment mula sa isang lalaki maliban sa tatay Manny ko, ewan ko siguro assuming lang ako pero kung ano man to, kung anong meron man sa amin at kung ano pa ang darating habambuhay ko tong pahahalagahan

andito ako sa hacienda nila Jake, kakatapos lang ng klase namin andun siya sa kanilang mansyon ako naman tinutulungan ko ang tatay ko sa gawain para makauwi at makakain na rin kami sa bahay ng hapunan

"anak Grace, pakiabot nga yung mga delivery receipts sa ibabaw ng karton" utos sa akin ni tatay

"ito po tay, kamusta naman yung araw niyo ngayon dito?" tanong ko kay tatay habang abot ko ang mga resibo sa kanya

"huh?" napatingin sa akin si tatay akala mo ay gulat na gulat sa sinabi ko

"tay? okay ka lang? bakit parang gulat na gulat ka?" tanong ko kay tatay

"okay lang naman ako anak, nagkaroon ng delivery ngayon ng pataba galing sa Maynila baka bukas simulan na yung pagtatanim ng manga doon sa bagong biling lupa nila Don Jaime" sabi ni tatay sa akin

"anak alam mo nakakapagtaka ka e, may kailangan ka noh?" tanong sa akin ni tatay

"wala no ano ka ba naman tay, kinakamusta ko lang ang tatay ko" sabi ko sa kanya sabay yakap sa kanya

"talaga lang ah, may kailangan ka ba? bakit ang lambing mo ata?" tanong ulit ni tatay sa akin

"wala po, matagal na akong malambing sa inyo no" sabi ko kay tatay

"tay paano mo niligawan si nanay noon?" tanong ko sa kanya, nakita ko na napangiti si tatay noong naitanong ko sa kanya ito siguro kinilig ulit

"bagong lipat lang ang pamilya ng nanay mo dito sa San Isidro unang pagkakita ko pa lang sa kanya talagang nabighani na ako, maputi matangos ang ilong maamong mukha magangdang buhok magandang pangangatawan, lahat na ng magagandang bagay ay nasa iyong nanay kalaunan ay nakilala ko ito at naging kaibigan doon ko lang nalaman na mabait at palabiro ang iyong nanay, maraming umaaligid sa nanay mo noon kaya nung nagkaroon ng sayawan dito niyaya  ko siyang sumayaw, pumayag naman ito at sa kalagitnaan ng aming pagsasayaw doon ko sinabi sa iyong nanay na mahal ko siya kinilig pa nga yun hindi rin ako pinahirapan at sinagot din ako agad" kwento sa akin ni tatay na may halong pagmamayabang hindi ko namalayan na sinasayaw na pala ako ni tatay

"ganoon agad bumigay si nanay?" tanong ko kay tatay

"tinatanong pa ba yan, tignan mo naman ang tatay mo gwapong gwapo" sabay pose ng pogi, nakakatuwa si tatay talaga

"ehem sabi ko na e kay Mang Manny ako matututo ang tamang istilo ng panliligaw e" nagsalita ang lalaki sa aming likuran, si Jake kanina pa nakikinig sa may pintuan

"mahal na prinsipe kanina ka pa ba jan?" tanong ko sa kanya

"Sir Jake, magandang gabi kamusta po?" magalang na bati ng tatay sa kanya

nilapitan ako ni Jake kinuha ang mga kamay ko at pilit na isinasayaw ako, ako naman itong payag pero natatawa dahil halatang parehong kaliwa ang mga paa nito

"ano ba marunong ka ba talagang sumayaw?" tanong ko kay Jake na may halong pagtawa habang nakikita siya na hindi malaman kung anong paa ang igagalaw

"Mang Manny mukhang dehado ako sa istilo niyong to, mukhang hindi ako masasagot sa pagsayaw ng ganito hahaha" sabi ni Jake sabay tawa, kami naman ni tatay ay napatawa na rin ng malakas

kakatuwang makita siya na pilit na gumagawa ng kanyang mga galaw sa pagsayaw

"hahaha ayoko na nagmumukha na akong tanga, Mang Manny pwede kong maligawan este mahiram si Grace jan lang kami sa labas bago man lang kayo umuwi" sabi ni Jake na ikinagulat ko napatingin ako kay tatay

"ah sige po Sir Jake, marami pa naman po akong gagawin dito pagkatapos ay uuwi na po kami" paliwanag ng tatay ko sabay ngiting nakakaloko sa akin

"salamat po Mang Manny hindi naman po kami magtatagal, tara na Grace?" sabi ni Jake sabay hawak sa kamay ko para lumabas na kami ng opisina

lumalakas ang kabog ng dibdib ko, nauunang maglakad sa akin si Jake ako naman itong nakatingin sa kanya at hindi mapalagay ilang minuto lang at nakarating kami sa kwadra ni Joey

"kamusta ka na Grace?" sabi ni Jake sa akin habang nagsisimulang pakainin ang alagang kabayo

"nagkita naman tayo sa school kanina ah, okay ka lang ba?" pagtataka kong tanong sa kanya

"alam ko pero sa school naman iniiwasan mo ako pakiramdam ko tuloy ang pangit ko, pakiramdam ko para akong may nakakahawang sakit" nakakatuwa siyang pagmasdan akala mo talagang kawawang kawawa ito kasama pa ang paglungkot ng kanyang mukha

"ano ka ba naman mahal na prinsipe hmmm... basta sorry hindi naman sa ganun baka kasi may isipin ang ibang tao" paliwanag ko sa kanya

"bakit ba ganyan ang iniisip mo maiba ako kamusta na yung paa mo masakit pa ba? hindi kasi kita nakamusta kanina sa school" natapos na siyang pakainin si Joey naglalakad kami ngayon sa harap ng mansiyon nila

"tara upo tayo doon sa may puno, okay na naman ako mahal na prinsipe hindi pa ako ganoon nakakatakbo pero hindi na ako ganoon nasasaktan kapag naglalakad, salamat nga pala ha" sabi ko sa kanya habang kita ko ang pag - aalala

"mabuti naman kung ganun, hindi na kita gugulatin hindi ko naman alam na may pagkalampa ka pala hahaha biro lang" biro sa akin ni Jake

"hindi naman sobra ka, natakot talaga ako kahapon madilim kaya doon" sabi ko sa kanya
"kaya nga kita sinundan dahil nakita kitang naglalakad doon hindi ka na lang kasi sumabay sa akin pag - uwi kung may meetings ka or practice hihintayin kita hihintayin mo rin ako kapag may practice ng basketball" pag - alok sa akin ni Jake

"naku mahal na prinsipe nakakahiya wag na tsaka sanay na naman akong maglakad e madilim lang talaga doon hindi sa ayaw kitang kasama" paliwanag ko sa kanya may pagkamatampuhin kasi si Jake e

"basta ganoon na ang deal natin simula lunes, sabay na tayo pag - uwi ah tsaka pati pagpasok sa school susunduin ka na namin para sabay na tayo palagi pumasok, sabi ko naman sayo di ba aalagaan kita, pprotektahan kita kaya ayun sinisimulan ko na huwag ka na lang umangal kasi basang basa na ilong mo ah hahaha" pang - aasar nito sa akin nahiya tuloy ako sabay hawak sa ilong ko nalaman kong pawisan na nga ito, nakita ko na rin si tatay na kumakaway okay na kami umuwi

"ang yabang mo" sabay hampas sa kanya sa balikat

"aray ang sakit nun ah, ang payat mo ang lakas mo humampas" reklamo sa akin ni Jake

"ay sorry, napalakas ata sorry talaga" kinabahan ako sa pagkakalakas ng paghampas ko

"joke lang lang" sabay ngiti nito sa akin

"ikaw talaga paano mahal na prinsipe tapos na si tatay uwi na kami sigurado gutom na yan e salamat ulit ah" sabi ko sa kanya habang nagpaalam na rin

"okay sige, ingat kayo Grace" pagpayag nito pero kingulat kong hinalikan niya ako sa pisngi hindi ko alam ang sasabihin napatingin na lang ako sa kanya at ngumiti sabay punta sa kinaroroonan ni tatay

nakita ko siya nakatayo pa rin sa may puno ng bigla siyang sumigaw

"Mang Manny ingat po! Grace ingat ka! puntahan kita sa inyo bukas punta tayo sa ilog!" sigaw sa amin ni Jake

"opo mahal na prinsipe" sigaw ko sa kanya sabay kaway na rin nakita ko siyang pumasok na ng kanilang mansiyon

"tara na tay" pagyaya ko kay tatay at nagsimula na kaming maglakad habang hawak ko pa ang pisnging hinalikan ni Jake

"ano ba tong nararamdaman ko, bakit niya inulit na aalagaan ako bakit niya ako hinalikan sa pisngi?" bulong ko sa sarili

"ano yan anak?" tanong sa akin ni tatay, naku mukhang narinig pa ata

"wala tay sabi ko sigurado gutom na kayo" ewan ko nasabi ko na lang kay tatay
gulat pa rin ako sa nangyari ngayon lang ako nakaramdam ng ganito "makatulog kaya ako?" paano na bukas pupunta daw kami ng ilog "paano na to?" basta ang alam ko masaya ako at masarap ang pakiramdam na ito

Tinamaan na ako
Walang hiya ka, Kupido
Nasirang schedule ko
Putres na kabaliwang ito 


Tinamaan mo ako
Hiling ko, Mr. Kupido
Panain mo rin siya,
Nang pagnasaan niya rin ako

Lunes, Pebrero 27, 2012

My Little Pretty Bride [part 02]

Grace's POV

naging maganda ang buhay namin magtatay sa tulong ng pamilya nila Madam Camille at Don Jaime, nakapagsimula kaming muli sa pagkakaroon ng pagpapalaki ng ilang hayop at sa ngayon isa kami sa mga distributor ng mga karneng hayop sa bayan ng San Isidro kung ano man ang tinatamasa namin ngayon habambuhay naming tatanawing utang na loob sa mga Navarro

naging malapit kami sa kanilang pamilya ganun din kami ni Jake, madalas kami ang magkalaro, takbo dito takbo doon halos nailibot na niya ako sa hacienda nila palagi naming kasama si Joey, siya ang regalo sa kanya ng kanyang mga magulang isang kabayo, alagang alaga niya ito kitang kita mo sa kanya ang kasiyahan sa tuwing sumasakay kay Joey

"good Joey, bumibilis ka na! nakita mo ba yun Grace? ang galing na niya noh" sabi sa akin ni Jake

"oo mahal na prinsipe, magdahan dahan ka naman kahit konti, nakakatakot na kayo panoorin" pagpapaalala ko sa kanya

"ano ka ba naman simula ng maging magkaibigan tayo yan palagi mong tinatawag sa akin tsaka sanay na ako alam ko na rin ang bawat galaw nito, di ba Joey galing na yan e" pagmamayabang niya sa akin habang himas himas ang kanyang alagang kabayo

magclassmate kami ni Jake kaya palagi kaming nagkikita, wala akong kasawa sawa sa kanya sa school tapos sa hacienda nila nakakatuwa kasi siyang pagmasdan lalo na kapag masaya siya, kung tumawa kasi akala mo napakaliit na paslit pa lang

"alam mo matutunaw na yang si Jake kakatingin mo" pang - aasar sa akin ni Chloe

"grabe ka naman hindi ah, natutuwa lang ako sa kanya" paliwanag ko sa bestfriend ko

"grabe noh crush na crush mo talaga siya kung sa bagay gwapo na mayaman pa" sabi ni Chloe

"uy hindi naman, tsaka mabait si Jake maraming nag - aakalang mayabang pero mabait yan super" pagtatanggol ko

"asus in denial ka pa rin halatang halata ka naman, ayan na ang mahal mong prinsipe" pang - aasar niya

"hoy ano ka ba, wag ka maingay baka marinig ka" pagsasaway ko kay Chloe habang kita kong papalapit sa amin si Jake habang kumakaway sa amin ako naman kumaway at nginitian ito

"hi Chloe! Grace kamusta? bakit andito kayo? kumain na ba kayo? mamaya pa next class natin sama kayo sa amin sa tropa" pagyayaya sa amin ni Jake

"hello Jake" sagot ni Chloe

"okay lang kami ni Chloe dito mahal na prinsipe, gumagawa kasi kami ng assignments e tsaka baka maistorbo lang kayo" pagtanggi ko sa kanya

"anong assignment?" gulat na tanong sa akin ni Chloe tinitigan ko siya ng masama nilakihan ko talaga ang mata ko sa kanya

"oo nga pala Jake, okay lang kami dito hehe" sabi ni Chloe kay Jake

"may assignment pala tayo sigurado kayo okay lang kayo dito ah hmmmm see you na lang next class, bye Chloe ikaw din Grace" sabi niya sa amin sabay hawak sa baba ko, nakangiti pa rin ako habang tinitignan ko siya palayo

"Grace laway mo natulo" pang - aasar sa akin na akala mo may sasaluhin sa mukha ko

"ang yabang mo Chloe haha" natatawa kong sabi sa kanya

"alam mo pansin ko sayo bakit mo nilalayuan si Jake, palagi mo na lang siyang tinatanggihan" tanong sa akin ni Chloe

"uy hindi naman, ayoko lang kasi tuksuhin si Jake kapag magkasama kami, tignan mo mga katropa niya lahat sila mayayaman sa lugar natin isipin pa gold digger ako" sabi ko sa kanya habang nakatitig pa rin ako kay Jake habang nakatingin din siya sa akin at biglang kumindat

natapos na din yung klase namin kaya nagmadali na rin akong umuwi kailangan ko pa kasi tulungan si tatay sa gawaing hacienda, nagpaalam na rin ako kay Chloe na mauuna na ako sa kanya at naunawaan naman nito
naglalakad na ako pauwi ng mapansin ko na tila may nasunod sa akin, natatakot ako baka may gawing masama sa akin ang taong ito kaya nagmamadali akong naglalakad sa daanan ng biglang

"booooooooom!"

"ahhh shit ka!" sa pagkagulat ko napatakbo ako kaso sa hindi inaasahang pagkakataon natapilok ako

"oh Grace okay ka lang ba?" lumapit sa akin ni Jake para tignan kung okay ako

"uy sorry Grace, hindi ko sinasadya hindi ko alam matatakutin ka pala" paliwanag sa akin ni Jake palihim pa itong tunatawa sa pagkakatapilok ko

"bakit mo naman ako tinakot? natapilok tuloy ako" angal ko sa kanya

"sorry na Grace, meron bang masakit sayo" tanong niya sa akin

"yung sakong ko parang namamaga maliban doon wala na" nakita kong namamaga ang aking sakong

"okay lang ako kaya pa naman tumayo" sinubukan kong tumayo pero natumba ako

"hindi mo kaya Grace sorry talaga halika buhatin na kita" sabi sa akin ni Jake biglang buhat sa akin, malaki ang katawab nito dahil sa paglalaro ng basketball gustuhin ko mang tumanggi ngunit hindi ko nagawa

"balak ko lang sabayan ka pag - uwi, samahan ka sa paglalakad mo napansin ko kasi na seryoso yang mukha mo pero wala akonh balak na takutin kita, sorry talaga Grace" paghingi ng tawad sa akin ni Jake

"okay lang ako Jake ibaba mo na ako nakakahiya baka may makakita pa sa atin" pagpupumilit ko sa kanya pero wala akong nagawa napansin ko na lang nasa harap na namin yung sundo niya, pinauna niya akong paakyatin ng sasakyan sumunod at tinabihan ako

"kuya bilisan natin natapilok si Grace e" utos ni Jake sa driver nito

nakakatuwa si Jake kung mag - alala sa akin parang may nangyaring masama talaga sa akin, daig pa niya ang napilok sa pag - aalala niya, nakikita ko siya panay ang hawak sa paa ko gustong hilutin hindi ko lang pinapayagan dahil masakit kapag ginagawalaw, hinahayaan ko lang siya na hawakan ito
pagdating namin sa kanila agad agad niyang tinawag ang katulong nila na si Ate Cynthia para bigyang lunas ang pagkakatapilok ko

"Ate Cynthia sorry ah, baka may ginagawa ka pa doon naiistorbo pa kita" pasalamat ko kay Ate Cynthia habang hawak ang paa ko upang tignan at bigyang pangunang lunas ang paa ko, ngiti lamang ang natanggap ko dito habang kita ko si Jake na hindi mapakali

"uy okay lang ako wag kang praning jan!" sabi ko sa kanya na nakatulala

"alam ko namang hindi, naranasan ko ng matapilok noon habang practice sa baskteball kaya alam kong masakit yan" paliwanag niya sa akin

"thank you Ate Cynthia" natapos na si Ate lagyan ng bondage ang aking paa "okay lang ako mahal na prinsipe malakas ata to" sabi ko sa kanya habang posing pa ako na parang macho, nakita ko itong napangiti at lumapit na sa akin

"sorry talaga Grace, hindi ko naman sinasadya ako dapat kasi nagtatanggol sayo, ako dapat naglalayo sa kapahamakan tapos ako pala nagdala ng sakit ng katawan para sayo, pero huwag ka mag - alala magiging extr careful na ako sa pag - aalaga sayo" sabi sa akin si Jake na tipong seryoso sa kanyang sinabi

anong sabi niya? pagtatanggol? aalagaan? ako? gagawin sa akin ni Jake? bakit ganoon ba ako kahalaga sa kanya? gulat na gulat talaga ako sa narinig ko kay Jake hindi ko alam ang sasabihin ko sa pagkagulat, hindi naman ako espesyal na tao sa kanya tsaka ano na lang sasabihin nila sa kanya, ayoko naman tuksuhin nila si Jake ng dahil lang sa akin, tinignan ko na lamang siya at sinuklian ng isang matamis na ngiti totoo kaya ang mga pinagsasasabi nitong si Jake pero hindi ko alam pero masayang masaya ako, hindi ako mapakli, hiyang hiya ako, nanginginig ang katawan anong nangyayari sa akin? kung ano man yun basta alam ko sa panahong to masaya ako sa pagtrato niya sa akin, bagay na pagpapasalamat ko

Linggo, Pebrero 26, 2012

My Little Pretty Bride

paano kaya kung yung taong itinuturing mong mahalaga sayo, yung taong nagpabago ng buhay mo, yung taong handa mong pag - alayan ng lahat bigla ka na lamang saktan at iwan?

siya si Grace Marie Candare, 16 taong gulang may taas na 5'5 timbang na 45kg, may mapungay at bilugang mata, matangos na ilong at may magandang hubog ng pangangatawan, anak siya ni Mang Manny katiwala sa Hacienda Kristina, matagal ng namatay ang kanyang ina noong siya ay 12 taong gulang pa lamang dahil sa sakit na Leukemia kaya sila na lamang ng kanyang ama ang magkasama sa buhay, wala itong kapatid kaya kapag may libre itong oras tinutulungan niya ang kanyang ama sa mga gawaing Hacienda

sabi nila kapag nasasaktan ka sa isang relasyon ibig sabihin nagmamahal ka pero kung puro sakit na ang naidudulot nito sayo pagmamahal pa bang maituturing ito?

siya si Jake Lawrence Navarro, 17 na taong gulang may taas na 5'11 at bigat na 60kg, chinito, matangos ang ilong, may magandang pangangatawan dala ng magiging basketball player, may maamong mukha na talagang kinikiligan ng lahat, nag - iisang anak siya nila Mr. Jaime at Ms. Camille Navarro ang may - ari ng Hacienda Navarro sa bayan ng San Isidro

paano natin malalaman kung totoong nagmamahal na tayo?
 kung dumating man ang pagsubok, tatayo ba tayo sa sarili nating mga paa para ipaglaban ang ating nararamdaman o susuko na lang?


"daddy ano ba yung gift niyo sa akin ni mommy?" tanong ni Jake sa daddy niya

"hmmm . . . ano nga ba yun mommy? meron nga ba? hahaha" panloloko ni Don Jaime

"ahhhh sabi mo kanina meron e" sabi ni Jake

"ikaw talaga dad, huwag mo na lokohin si Jake, mamaya makikita mo na siya baby" paninigurado sa kanya ng mommy Camille niya

"yehey! cmon daddy bilisan natin para makauwi na tayo agad" pagmamadali ni Jake
 
"opo eto na malapit na tayo ohhhh---"

"dad!"

"daddy!"

sa hindi inaasahang pangyayari may nakasalubong silang truck sa kanilang dinadaanan nagkaroon ng problema sa makina nito kaya mali ang linyang dinadaanan, iniwas ni Don Jaime ang sasakyan nila ngunit naibangga ito sa isang malaking puno nagbunga ng aksidente sa kanyang pamilya

"Grace anak ano yun? ano yun tunog na yun? pagtatanong ni Mang Manny

"tay may sasakyan dun nabangga, tara tulungan natin" sabi ni Grace sa tatay niya

nilapitan nila ang nabanggang sasakyan nakita nila ang mag - anak na halos walang malay, duguan ang mga ito kaya nagmadali si Mang Manny na tulungan sila

"anak humingi ka ng tulon bilisan mo" sigaw nito kay Grace

"opo tay, mga kapitbahay tulungan niyo po kami! tulong mga kapitbahay!" nagsimulang magsisisigaw si Grace sa mga kapitbahay

tumugon naman ang mga ito, dali dali silang nagtulong - tulong upang iligtas ang mag - anak ang iba sa kanila ay tumawag na sila ng ambulansya, nasira na nila ang pintuan kaya isa isa na nilang nailabas ang mga ito, mabilis na nakarating ang mga ambulansiya kaya naidala na agad ang mga ito sa malapit na hospital

sumama ang mag - ama sa hospital para alamin kung maayos ang mga ito, sila din ang tinanong  ng mga otoridad sa nangyari, ilang araw din na nakaratay ang mag - anak sa hospital mabuti na lamang ligtas silang lahat, nagtamo lamang ang mga ito ng ilang gasgas at bali sa katawan

nakauwi na ang mga ito mula sa hospital maayos na muli sila buhat ng aksidente

"dad puntahan natin yung mag - amang tumulong sa atin" sabi ni Madam Camille

"oo nga mom, malaki ang utang natin sa kanila kung anuman ang kailangan nila ibibigay ko kahit papaano makabawi sa kabutihan nila sa atin" sabi ni Don Jaime

nagpunta ang mag - anak sa lugar nila Mang Manny at Grace upang magpasalamat at magbigay ng ilang regalo

"hoy bata!" bati ni Jake ngunit hindi ito naririnig ni Grace, binato niya ito

"aray! hoy ikaw! ikaw ba nambato sa akin? anong ginagawa mo dito?" sigaw ni Grace

"ah oo ako nga bingi ka kasi edi napansin mo na ako" sabi ni Jake

"ansama mo!" sigaw sa kanya ni Grace

"baby? anong meron? bakit kayo nagsisigawan?" sabi ni Madam Camille

(baby? ang tanda na baby pa rin tawag? hahaha xD)
"yang anak niyo nambabato tinamaan ako!" sumbong ni Grace

"Jake is that true? bakit mo ginawa yun? bakit mo siya sinasaktan? bata pasensiya ka ha? nasaktan ka ba?" pagtanong ni Madam kay Grace

"okay lang po ako (baka umiyak pa yang baby niyo! hahaha xD) maari ko po ba matanong kung sino po sila?" tanong ni Grace

"pasensiya na, ako nga pala si Camille Navarro, mommy ni Jake anjan ba ang tatay mo si Mang Manny?" sabi ni Madam Camille

"ah ganun po ba sandali lang po tatawagin ko lang si tatay"

"tay! tay! may tao po sa labas hinahanap po kayo" sabi ni Grace sa kanyang tatay, paglabas ng bahay kasama na niya ito na ikinagulat n Mang Manny

"Madam Camille? kayo po ba yan? tuloy po kayo ano po ang maitutulong ko sa inyo? si Don Jaime po?" pagtatanong ni Mang Manny  pinatuloy na rin niya ito kanilang bahay, maliit lamang ang kanilang tinutuluyan, meron din silang maliit na lupa na tinatamnan nila ng mga gulay at prutas, malayo - layo ang kanilang lugar ngunit malapit sa Hacienda Kristina kung saan ito namamasukan

"ano po ba ang pwede kong maialok ko sa inyo? ano po ang dahilan at nagawi kayo dito sa amin" magiliw na sabi ni Mang Manny

"naku Mang Manny huwag na po, andito po kami para magpasalamat sa inyo, napag - alaman kasi namin na kayo ang tumulong sa noong naaksidente kami, kaya andito kami para magpasalamat sa inyong kabutihan at kabayanihan sa aming pamilya" sabi ni Madam Camille

"naku wala po iyon, nagkataon lamang na malapit kami sa pinangyarihan ng aksidente at iyon naman po ang kailangang gawin, kapag may nangangailangan ay kailangang tulungan" sabi ni Mang Manny

"Mang Manny napakabuti niyo, hindi ako magdududa na mabait din ang inyong magandang anak, hindi ako alam kung paano namin matutumbasan ito ngunit hayaan niyo sana kami na pasalamatan kayo, may dala kaming mga regalo sa inyo, Mang Manny huwag mo sana masamain pero handa kaming tulungan ang pamilya mo, handa kaming sagutin ang inyong pangangailangan pati ang pag - aaral ng iyong anak" sabi ni Madam Camille habang hawak ang kamay ni Mang Manny

hindi na alam ni Mang Manny ang isasagot, hindi naman lingid na hindi sila mayaman ang mga ipon nila ay naubos sa pagpapagamot ng kanyang asawa sa sakit ngunit kalaunan ay namatay din ito, nagsisimula ulit sila sa buhay kasama ang anak na si Grace

"Madam Camille, maraming maraming salamat po!" mangiyak na pagpapasalamat ni Mang Manny
nagkaayos sila Madam Camille at Mang Manny sa mangyayari, tutulungan ng pamilya nito sila Grace sa lahat at kung may kakailanganin huwag mahiyang lumapit sa kanila at handang tulungan, hindi rin sila nagtagal at umuwi na rin ang mag - ina
 
"hoy paalis na kami" sabi ni Jake kay kay Grace

"hindi ka pa humihingi ng sorry sa akin wag na lang pala uwi ka na baby! hahaha xD" pang - aasar ni Grace

"ang yabang mo ah, alam mo maganda ka sana e kung hindi ka lang mataray" sabi ni Jake sabay talikod

"nga pala, sorry pala sa nagawa ko kanina, maglinis ka kasi ng tenga para naririnig mo yung mga tao sa paligid mo" hirit ni Jake sabay sakay sa sasakyan at bumalik sa kanilang Hacienda

Ice Cream [part 03]

"Mico gumising ka, Mico naririnig mo ba ako?"

hindi ko alam pero anong nangyari, nasaan si Elise anong nangyari sa kanya

unti unti kong idinilat ang mga mata ko, pinilit kong bumangon pero masakit ang katawan ko, hindi ako makagalaw nasa hospital na ako

"sir wag po kayong gumalaw"

"ano nangyari? nasaan si Elise? anong nangyari sa kanya?"

"iho humiga ka lang, andito kami magiging okay ang lahat"

"Ma, nasaan si Elise? anong nangyari sa kanya?

"okay siya iho, ligtas si Elise"

pagkarinig ko gumaan ang loob ko, hindi ko pa rin naiintidihan ang nangyayari pero mahalaga walang masamang nangyari sa kanya

"Mico, gumising ka ano ba!"

"wag ka namang ganyan oh, akala ko ba pasasayahin mo ako, isasayaw mo pa ako sa prom hindi ba?"

naririnig ko si Elise umiiyak pero bakit siya naiyak, ano ba nangyari sa akin? bakit hindi ko magalaw ang katawan ko

"Iha tahan na"

"Im sorry po Tita, sorry po talaga, hindi ko siya dapat iniwan"

"wala kang kasalanan Iha, aksidente ang lahat, huwag mo sisisihin ang sarili mo"
 
"pero Tita"

"Elise, Iha tama na huwag mo siaihin ang sarili mo, ayaw ni Mico na umiiyak ka, ayaw niyang nasasaktan ka"

"Mico gumising ka na, naririnig mo ba ako si Elise to"

"Mico wag mo akong iiwan please, kailangan kita hindi ko na alam kung pati ikaw mawawala pa sa akin"

"Mico dahil sayo kung bakit ako magmamahal ulit, dahil sayo kung bakit ako masaya nowadays, dahil sayo kung bakit gusto ko makasama kita habambuhay"

"mahal na mahal kita Mico, hindi pa kita sinasagot di ba?"

"gumising ka na Mico!"

"talaga? mahal din ako ni Elise? teka bakit ka ba umiiyak, buhay pa naman ako e, kailangan ko maigalaw ang katawan ko"

hindi ko magalaw kahit kamay ko, wala akong ibang ginagawa kundi pilitin, kailangan kong gumalaw gusto ko ng mayakap si Elise

"Mico, gumising ka na!"

"aray ko masakit!"

"huh? Mico gising ka na!"

biglang yakap sa akin ni Elise

"Elise, teka lang masakit masakit"

"ikaw kasi bakit ang tagal mo gumising pinag - alala mo kami, lalo na ak-- ako"

"sorry na, alam ko naman hindi ko hahayaan yun hindi ba?"

"teka tatawagin ko sila Tita" paalis na siya ng bigla ko siyang hinatak pabalik sa akin

"Elise mahal na mahal kita!"

hindi siya sumasagot, nagsisimula tumulo ang luha niya

"huwag ka ng umiyak Elise, andito ako buhay na buhay, hindi pa ako pwede mamatay masamang damo ata to hahaha"

"mahal na mahal kita Elise, okay na ako, hindi ako pwedeng mawala sayo tutuparin ko lahat ng pangako ko sayo, di bale na akong masaktan huwag ka lang"

"oo na Mico, girlfriend mo na ako" sabay yakap ng mahigpit sa akin

"teka teka wala naman akong tinatanong ah"

sabay layo sa akin ni Elise buti na lang at nahawakan ko siya ulit niyakap ko siya ng mahigpit

"mahal na mahal kita Elise"

"mahal na mahal din kita Mico"

niyakap ko ulit siya ng mahigpit hanggang sa naglapat ang aming mga labi, natikman ko ang halik niya, naghalikan kami na puno ng pananabik at pagmamahal sa isa't isa

"ehem"

napahinto kaming dalawa, andun si Mama, si Papa at yung doctor, nakita rin namin ang iba namin classmate na nakatulala sa aming dalawa

"lumabas muna kayo" hiling ko sa kanila

nag - ingay ang mga classmate namin, tinutukso kami pinagbigyan naman nila ako kaya lumabas ulit sila kaya kami na lang ulit ang naiwan

"nakakahiya"

"mahal na mahal kita Elise"

"mahal na mahal din kita Mico"

naglapat muli ang aming mga labi, naghalikan kami matagal - tagal din yun unang halik e hahaha

1 buwan ang nakalipas

"Mico hintayin mo naman ako"

"bilisan mo kanina ka pa gusto makilala ni Lolo, kanina pa sila naghihintay sayo"

magkasama ang ang pamilya namin pati si Elise, masaya sila at tuwang tuwa sila sa kanya at ganun din siya sa pamilya ko, sinabi ko sa kanila na siya ang gusto ko makasama habambuhay pumayag naman sila basta magtapos muna kami ng college bahala na sila sa kasal namin

2nd year college na kami iisa lang school na pinapasukan namin, kumuha siya ng Architectural habang Engineering naman ako, magkasama kami palagi, pumasok, kumain, lahat - lahat para na nga kaming mag - asawa e, magkasama kami sa iisang condo pero hiwalay kami ng kwarto badtrip nga e pero okay lang nakakatiyansing este makakadali din ako soon

"mahal na mahal kita Elise"

"mahal na mahal din kita Mico"

Ice Cream [part 02]

"pagpasensiyahan mo na yang si Elise" bangit sa akin ng bestfriend niyang si Jenny

"ano ba problema ng bestfriend mo? galit ba yan sa mga lalaki"

"naku mahabang kwento, sayo ko lang sasabihin to ah, wag mo sasabihin na ako ang nagsabi magagalit sa akin yan"

"nagkaroon ng boyfriend si Elise classmate namin noong first year si Bryan, mahal na mahal nila ang isa't isa lalo na yang si Elise kaya ganun na lang kung sisihin niya ang sarili niya sa nangyari"

"bakit ano ba nangyari Jenny"

"namatay si Bryan, nasa mall sila noon ng nakuha ang bag ni Elise hinabol naman ito ni Bryan ang hindi nila alam may kasama pala yung holdaper na sinasaksak si Bryan na ikinasawi nito, kitang kita ni Elise kung paano mawalan ng hininga si Bryan sa harap niya"

"kawawa naman pala siya"

nakatingin ako kay Elise, naiisip ko kung gaano kabigat ang dala dala niya ngayon sa puso niya, marahil napakasakit pa rin ito sa kanya magpahanggang ngayon

"papasayahin kita Elise, ibabalik ko ang ngiti sa iyong mga labi"

simula noon araw - araw ako nagpacute, hehe parang walang bago inalam ko lahat ng gusto niya, ice cream gusto niya lalo na kapag ube, kinakantahan ko siya kahit sintunado ang boses ko bagay na nagbibigay ngiti sa kanya sabay simangot ulit

"Elise may naiwan ako jan sayo"

"ha? ano naman" masama ang tingin nito sabay lingon sa paligid niya

"wala naman ibang gamit dito"

"meron yung puso ko naiwan ko sayo"

tilian ang buong klase, hindi ko akalain nakikinig ang mga ito walang tigil na sila sa pagtukso sa amin, lumapit ako sa kanya tumabi ako pero hindi ko siya tinitignan

"gagawin ko ang lahat para maging masaya ka Elise, gagawin ko ang lahat para mawala lahat ng bigat jan sa puso mo, gagawin ko ang lahat para sayo"

nagkatitigan kaming dalawa, kita ko sa kanyang mga mata ang pagkabigla, nagsimulang mamuo ang mga luha dito hanggang sa dumating ang teacher namin

"pangako ko sayo yan Elise"

bumalik ako sa upuan ko, nakatingin pa rin siya sa akin dahil na rin siguro sa pagkabigla sa mga sinabi ko, gagawin ko para sa kanya

"hi Mico may date ka na ba para sa prom? kung wala available pa ako"

"ako din Mico available din ako"

"ah ee sorry girls ah taken na ako e"

sabay lapit kay Elise para ibigay sa kanya ang dala kong bulaklak

pagkatapos ang isang buwan nagbago na kahit papaano si Elise, nakikipagkwentuhan na siya sa akin, hindi na niya ako sinusungitan, hindi na niya ako nilalayuan at higit sa lahat hindi na siya yung kinatatakutan ng lahat

"pare saludo ako sayo, ano napakain mo kay Elise"

"yung dating lion ngayon isa ng malambing ng kuting"

"mga siraulo, mahal ko si Elise, mahal na mahal kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya"

"drama mo Mico, practice na tayo"

balik na kami si practice after ng ilang minutong break sabay kindat kay Elise, nagrequest kasi ako sa kanya na panoorin ako sa practice para ganahan ako tinupad naman niya kasama niya si Jenny nanonood sa amin

"Elise mahal na mahal kita, alam ko mejo mabilis ang lahat pero tinamaan talaga ako sayo"

"noon pa lang talagang minahal na kita at sa araw - araw na magkasama tayo lalong tumitindi ang pagmamahal ko sayo"

"Elise, pwede ba kitang maging girlfriend?"

"pangako aalagaan kita, proprotektahan, papasasayahin at mamahalin kita Elise"

inabot ko sa kanya ang isang singsing pero tinanggihan niya ito, nagulat ako sa nangyari umiiyak siya sa harap ko

"Mico I'm so sorry"

umalis si Elise patakbong lumayo sa akin hindi ko rin alam pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, hindi ako makakilos tila dumidilim ang paningin ko

Ice Cream

"ano ginagawa mo jan Elise? bakit hindi ka pumasok" sabi ko sa kanya

"nakakahiya naman kasi ako sa inyo, kanina pa ako kumakatok"

siya si Elise, siya ang babaeng papakasalan ko siyempre hindi pa ngayon, girlfriend ko simula 1st year high school

"Mico hintayin mo naman ako"

"bilisan mo kasi kanina ka pa nila hinihintay sa loob"

family gathering namin birthday kasi ni lolo, gusto ko ipakilala sa kanila ang babaeng gusto ko makasama habang buhay

siya si Elise ang kilabot ng St. Claire Academy kung saan kami parehong nag - aaral, oo kilabot hindi dahil sa sexy siya, maganda si Elise pero kilabot kasi kinatatakutan siya sa school every year nananalo siya as President ng Student Council, kahit sino takot pagdating sa kanya siyempre hindi siya uubra sken
bagong transfer ako sa academy wala pa akong kilala luckily naging magclassmate kami, I don't know pero anlakas ng tama ko agad sa kanya wala to boyfriend paano ba takot sa kanya kaya pinagkakamalang tomboy

"Mico Del Rosario, ikaw ano name mo?" hindi niya ako sinagot nangalay na kamay ko pero hindi niya ako sinasagot

"pare, Jake ingat ka jan kay Elise mejo mataray yan e, ah hindi mataray talaga kinatatakutan dito masyadong strict" pakilala sa akin ng katabi ko

"ah ganoon ba? pero parang hindi naman e, maamo ang mukha, hmmm liligawan ko siya" sabi ko sa sarili ko
araw - araw kinakamusta ko si Elise, pero dinedema niya lang ako ewan ko sa babaeng to, heto na ako sa pagpapacute, ngiti dito, kaway dito pero siya parang hindi ako nakikita

"ayaw niya ba sa akin?"

palagi ko siyang binibilhan ng merienda, palagi akong tumatabi sa kanya kahit parang may sakit ako kung layuan ako

"binili ko sayo oh, baka kasi nagugutom ka na"

"hindi ako nagugutom"

"edi yung drinks na lang, Mico nga pala" inabot ko ang kamay ko sa kanya

"salamat, alam ko kilala ka na agad dito sa school lahat ng babae nakatingin sayo, tignan mo"

tumingin ako sa paligid, tama nga siya nakatingin sila sa amin nakakatuwa kasi kumakaway sila kahit hindi ko naman kilala

"hi kamusta kayo?" kaway ko sa kanilang lahat

"tss akala mo kung sinong gwapo" bulong ni Elise

"may sinasabi ka ba Elise?"

"ah wala, sabi ko salamat pwede ka na umalis" sabi niya

"dito lang ako, Elise I like you!"

nginitian ko siya pero ewan bigla siyang umalis "bakit saan ka pupunta?" bigla na lang niya niligpit ang gamit niya sabay alis

napatingin na lang ako sa kanya "may nasabi ba akong masama?"

ewan ko ba pero habang dumadaan ang araw lalo akong naiinlove sa kilabot na to, patuloy pa rin ako sa pagsuyo sa kanya, sunod dito, papacute sa kanya, bibilhan siya ng merienda, sinusundan ko nga siya kahit pag - uwi pero malakas ang pandama nakakawala sa pangingin ko bigla bigla

"Elise, pwede ka ba ligawan?"

"Elise gusto kita, gusto kitang maging girlfriend"

parang hindi naririnig ni Elise ang sinasabi ko, lumapit ako sa kanya habang wala pa kami susunod na teacher
"Elise. . "

"wag ka lalapit, subukan mong lumapit sasapakin kita!" napalakas ang sabi niya, tumahimik ang klase at napatingin na lang sa kanya

kahit ako napatulala sa ginawa niya, napangiti ako inambahan niya lang ako ng kanyang kamao lalapit sana ako dumating lang ang teacher namin

Torrid Kiss

"happy birthday pare!" pagbati ko kay Migs

"kainan na, gutom na ako" hanap ko kaagad ng pagkain

"mine, ikaw anong gusto mo.kainin dito?" pagkakaalok ko ng pagkain kay Janna, girlfriend ko 18 days na kami haha para akong tanga noh talagang binibilang ko

"sige kahit ano na lang, hmm ayun tsaka eto na lang"

"o sige punta ka dun dadalhan na lang kita ng pagkain"

nakangiti sa akin si Janna habang papalayo siya sa akin, nagflying kiss pa nga ito ako naman na parang sinalo kiniss ko

"heto na ang pagkain natin mine!" sabi ko habang palapit sa kanila

"Jake dito na kayo ni Janna kumain" pag - ayaya sa akin ni Chie

"subukan kita gusto mo mine?" kasama ang matamis nitong ngiti

"hmmmm.. sige ahhhhhhhh" nilakihan ko ang pagbuka ng bibig ko, para kaming bata sa ginagawa namin ang kalat sa paligid, hindi naman namin sinasadya ang magsayang, basta ginagawa lang namin kung saan kami masaya

"woi inuman na!" nagtagay na si Migs ng alak para sa aming lahat, ilang case ang binili nito kami lang ang uubos dahil wala na siyang ibang bisita maliban sa amin magkakabarkada

kung anu - ano mga ginawa namin, tagayan sa iisang baso, laro ng pusoy at tong its at pasahan kendi, tama pasahan ng kendi papaikutin ang bote kung saan matapat doon mo ipapasa ang kendi sa bibig mo papunta sa bibig niya, walang ibang gamit bahala ka na kung maghahalikan kayo basta kailangan mong ipasa

"mine mejo masama na yung tiyan ko" sabi ko sa kanya

"yan ikaw kasi e ang dami mo ng nainom, kaya ko naman uminom e"

"basta ayoko uminom ka, okay lang ako sumalo ng tagay sayo hindi lang siguro ako komportable sa alimango"

"doon tayo sa kwarto para makahiga ka ng maayos"

umakyat kami ng kwarto ni Migs, andun sila Sarah at Kevin, naglalampungan dinig na dinig pa namin ang halikan ng dalawa

si Sherwin naman at si Girlie andun sa dulo, hindi namin makita kung ano ang ginagawa nagtatago pa

si Ana naman nasa harap ng computer, nagsusurf ng net

"mine saan tayo pupwesto niyan? walang vacant sa motel este dito?" sabi ko sabay tawa ng malakas binatukan ako ni Janna "masakit yun ah"

"eto mine may sleeping bag, latag natin dito gilid para makahiga ka na"

"ano gusto mo kuha kita sa baba, teka kuha ako ng tubig"

"huwag na dito ka lang sa tabi ko, huwag mo ako iiwan" sabay kiss sa kanya sa noo

"masakit pa ba ang tiyan mo?"

tumango lang ako bilang sagot na masakit pa nga ito

nagulat ako sa nangyari, tinanggal ni Janna ang butones ng polo ko at hinawakan ang tiyan ko, nagugulat ako sa ikinikilos niya nakatitig lang ako sa kanya habang siya panay pa rin ang himas sa katawan ko "teka mukhang iba na to ah"

"mine?"

inihiga niya ako, pumatong siya sa katawan ko at bigla akong hinalikan oo naghahalikan kami pero iba ang halik na to, naninigas ang katawan ko hindi ako halos makagalaw naramdaman ko na lang na kinakagat na niya ang labi ko

"hindi ka pala marunong?" paghahamon niya sa akin

"hindi pala ah"

hinalikan ko siya na kanyang ikinabigla, naglapat ang aming mga labi, damang dama ko ang lambot ng mga ito ang init ng kanyang hininga, hindi ko alam pero para akong bata na sabik na sabik sa isang bagay na gusto bagay na nararamdaman ko habang hinahalikan ko siya

tinanggal ko ang damit niya at siya naman ang nagtanggal ng damit ko, doon na nagsimulang hawakan ko ang katawan niya, mainit ang pakiramdam ko, nakakapaso bagay na hindi namin pinansin kahit pareho na kaming basa ng sari - sarili naming pawis, naging mainit na ang naging tagpo sa pagitan namin ni Janna

"mine, ohhh ahh shiiiit"

"mine, gumising ka!" pagsampal sa akin ni Janna

"aray naman, bakit mo ginawa yun?

"e umuungol ka jan e, hindi ko alam nangyayari sayo baka kasi binabangungot ka e"

bangungot bang tatawagin yun? kung bangungot yun sana ay dalawin ako ng paulit - ulit napakagandang bangungot

"ah ganun ba? mine masakit yun ah" reklamo ko sa kanya habang hawak ko ang pisngi kong sinampal niya

"sorry na mine, mwuah!" kiniss niya na lang ako at ang pisngi ko

"ano masakit pa ba ang tiyan mo?" tanong niya sa akin
 
"mejo mine masakit pa rin"

"iba na ata to e, dala na lang ng pagkabitin" bulong ko sa sarili ko

"ano yun?"

"ah wala, CR lang ako mine doon ko na lang ibubuhos tong sama ng loob ko"

"ikaw talaga palabiro, ingat ka Jake hagdanan ah baka madulas ka"

"opo ma'am hehe" sagot ko sa kanya, tsk tsk

"palagi na lang bitin"

Ultimate Crush

alam mo ba na nakokompleto mo ang bawat araw ko?

corny masyado pakinggan pero totoo ito, ewan ko ba pero ganito nararamdaman ko sa tuwing ikaw ang nakikita ko

"hoy kevin kanina ka pa nakababad diyan sa laptop mo!"

yan ang nanay ko, aga aga nakasigaw na agad pero kahit ganyan yan love na love ko yan ^__^

"saglit na lang po nay, saglit na lang"

andito ako sa kwarto ko nakatingin sa profile niya, araw - araw kong tinitignan to hindi pala bawat minuto ata nakikita ko to yan ang ginagawa kong homepage ewan ko ba basta kapag nakikita ko si Chloe masaya na ako

halos lahat ata ng social networking sites na kasali siya meron ako, isa na akong follower, friends at kung anu - ano pa nagmumukha na nga akong stalker dahil alam ko     lahat ng status messages niya lahat ng nangyayari kasi sa kanya nilalagay niya, yung blog niya wala akong pinampas na entry na hindi ko nakikita o nababasa
mabait si Chloe kahit hindi niya ako lubusang kilala nakikipag - usap siya sa akin, hindi nga lang ganun kadalas pero solve na ako dun

mightykebong: good morning chloe!
amazingchloe: ^__^ good morning too kebong!
mightykebong: nagbreakfast ka na?
amazingchloe: not yet :( gutom na nga e
mightykebong: kain ka na, wag ka magpapagutom
--- after 1 minute
--- after 5 minutes
--- offline

"offline na siya? baka siguro kumain na, okay na rin yun para makakain siya ng maayos at mabusog siya"
ganyan madalas nawawala siya, siguro kasi may ginagawa school works, o kaya busy sa mga kaibigan basta okay lang mahalaga kahit papaano napapansin niya ako

ganito halos ang nangyayari sa buhay ko, ewan ko pero anlakas ng tama ko sa babaeng to nagwawala pa nga ako kapag wala kaming internet connection gagawa ako ng paraan kahit mapunta pa ako ng internet shop
ganito na ako sa kanya, alipin na kung maituturing pero okay lang pagtawanan na ako ng iba, o tuksuhing patay na patay sa kanya ganun na rin ata yun e, para sa ultimate crush ko hindi ako magsasawang gawin ang mga to

Miyerkules, Pebrero 22, 2012

Pakiusap [part 15]

kailangan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya, kailangan ko ng tanggapin na hindi na siya magiging akin

naging normal na ang lahat kahit papaano sa amin pero heto pa rin ako hindi nakakalimutan ang tumambay sa lilim ng puno, naisip ko itong puno lang naman na ito ang bagay na hindi ako iiwanan buti na lang kapit na sa lupa hahaha xD kung anu - ano na naiisip ko

ngumingiti na ako sa tuwing nakikita ko silang dalawa pero ngayon hindi na pilit, kung hindi ko kasi gagawin to mananatili akong nakalugmok, kakayanin ko gagawin ko lahat manatili lamang siyang masaya

gumugulo sa buhay ko itong asungot na Alexis siguro binigay ni Marc ang number ko walang tigil sa text at tawag, kwento tungkol sa bar, tungkol sa buhay niya at kung anu - ano pa mabilis masyado magsalita itong babaeng to parang hindi nauubusan ang laman ng utak, okay lang naman sa akin pero hindi ko maiwasan na mayamot kaya minsan hindi ako nagrereply, hindi ko sinasagot ang mga tawag niya

school fair ng linggong yun, wala masyadong klase dahil abala ang karamihan sa iba't ibang paligsahan, ang alam ko 2 taon na akong hindi umaattend sa ganitong pagtitipon madalas may sakit ako na tumatama sa linggong to, hindi ko yun sinasadya nagkakataon lang talaga hindi naman din ako pinaghihinayangan ng mga teacher namin dahil wala naman silang napapala sa akin

"kailangan mong bumawi sa mga grades mo Mr. Manalo" sabi ni Ms. David adviser namin ni Marc "kung gusto mo makagraduate ayusin mo mga grades mo" panindak na sinabi sa akin to, nanatili lang ako nakayuko sa harap niya sa faculty room

"sumali ka sa school fair, magparticipate ka sa mga events dun makakabawi ka" suwestiyon ng adviser namin "pero Ms. Dav--" hindi pa ako tapos magsalita nagsalita agad ulit siya "wala ng pero Mr. Manalo, wala ka ng magagawa ko depende kung gusto mo umulit ng 4th year" pagbabanta nito sa akin wala na akong nagawa kundi mapangiwi sa kanya habang kamot kamot ang ulo ko palabas ng faculty room

"anong gagawin ko? saan ako sasali sa quiz bee? sa sports?" kailangan ko makapasa ayokong umulit ng 4th year, nakausap ako ng isang org ng klase namen pumayag na lang ako kailangan ko magperform sa huling araw ng fair, hindi ko alam kung paano nila nalaman na marunong ako maggitara huling beses ako tumugtog nito magkasama kami ni Pau at kinakantahan ko siya

dumating ang araw na kinatatakutan ko freaky friday, sa org na yun kailangan magahowcase ng talent putragis bagay na hindi ako magaling alam ko nakakakanta ako pero sa harap ng maraming tao "bahala na isang araw lang naman ako mapapahiya kesa sa kahihiyan na babalik ako ng 4th year" asar kong bulong sa sarili ko
"may sinasabi ka ba?" tanong ng org coach "wala po pang - ilan pi ba ako?" tanong ko na lang sa kanya sabay ngiting aso

oras na kapalan na lang to "now from 4th year Mr. Jan Manalo!" takte tinawag na ako ng emcee, naririnig ko ang palakpak ng mga tao, nakita ko si Pau kumakaway ito sa akin, nasa gitnang bahagi ng gym nanonood pala sila ni Marc, nakikita ko silang nagbubulungan, nagkkwentuhan hindi ko alam pero nalungkot na naman ako, ewan pero hanggang ngayon masakit pa rin sa pakiramdam ko

"Jannnnnnnnnn! galingan mo Jan! woooohoooo!" nagulat ako sa lakas ng sigaw ng isang babae hinanap ko kung sino takte si Alexis lang pala hindi ko alam kung paano nakapasok ang babaeng yun lahat ng tao nakatingin tuloy sa kanya

eto na ako nagsimula na ako tumugtog sa aking gitara, tumingin ulit ako kay Pau at hindi na inalis ang pagkakatitig sa kanya

bumaba ako sa jeepney
kung saan tayo dating magkatabi 

magkahalik ang pisngi nating dalawa
nating dalawa


sa tuwing nakikita ko kayo naiisip ko na sana tayo na lang dalawa hanggang ngayon
masaya sa piling ng isa't isa

panyo mo sa aking bulsa
kung ang kahapon ay naroon pa rin
tawa nati'y humahalay
sa init nating dalawa


pero tanggap ko ng hanggang dito na lang ako
simula ngayon pipilitin kong mabuhay na wala ka

subalit ngayo'y wala na
ikaw ay lumayo na


habang buhay kong babaunin ang masasayang bagay natin magkasama
kahit kailan hindi ka mawawalan ng bahagi dito sa buhay ko

Naaalala ko ang mga gabing nakahiga sa ilalim ng kalawakan 
Naaalala ko ang mga gabing magkatabi sa ulan

mahal na mahal kita Pau, mananatili ang pagmamahal kong to sayo
kahit sino walang makakapalit o makakahigit sayo

mahal na mahal kita
kung kailangan kong isakripisyo ang pansarili kong kaligayahan
ang pansarili kong kagustuhan para sa ikakabuti niyong dalawa 
gagawin ko manatili ka lamang na masaya

Pakiusap [part 14]

masarap ang hampas ng hangin sa katawan ko kahit mejo magtatanghali na hindi pa rin ganoon kainit, maganda ang lugar ng bar kung sa gabi ingay ang dulot nito sa ganitong oras katahimikan ang pwedeng ibigay sayo, bagay na kailangan ko sa mga oras na ito

"andito ka pala" bangit ng isang babe pag talikod ko si Pau pala, "kamusta ka na Jan?" pagtatanong niya sa akin na sinuklian ko lang ng isang pilit na ngiti gusto ko pagmasdan ang kanyang mukha pero ayokong ipakita na galing lang ako sa isang kalungkutan

"matagal tagal na tayong hindi nagkkwentuhan" sabi ni Pau, "namimiss ko na yung tawanan natin, yung kulitan natin sa ilalim ng puno, namimiss na kita Jan" sabi sa akin ni Pau habang nakatingin sa siya sa akin hindi ko alam kung ano ang isasagot baka kasi kung ano masabi ko biglang maging emosyonal na naman ako

"nasaan si Marc? tapos na ba magrehearse si Alexis? tanging nasabi ko sa kanyang tanong "si Marc tinitignan ang bar sila kasing magkapatid ang may hawak ng business na to, kasama niya sa loob si Alexis" sagot niya sa akin, parang ang dami na nilang napagsamahan ni Marc, marami na siyang alam tungkol sa magkapatid marahil palagi din silang magkasama, nagkkwentuhan katulad namin noon

"galit ka ba sa akin Jan? tanong sa akin ni Pau na lubos na ikinagulat ko "bakit naman ako magagalit sayo Pau, walang dahilan para magalit ako lalo na sayo" mabilis na paliwanag ko sa kanya gusto kong palabasin na okay lang ang lahat

"para kasing iniiwasan mo ako, kapag nagkikita tayo sa school palagi kang nagmamadali" tanong niya sa akin napapansin niya pala ang mga ikinikilos ko "ah eh hindi naman sa ganun, marami kasi akong ginagawa lately busy sa school" kunwari kong palusot sa kanyang tanong

"sabi sa akin ni Marc panay daw ang absent mo, hindi na rin daw maganda ang performance mo sa klase niyo, hindi ka na ganun dati di ba? bakit ayan ka na naman?" pagtatanong ni Pau sa akin bagay na nagpatahimik sa akin

"Jan sabihin mo anong problema?" pagsasabi sa akin ni Pau habang panay ang pag - alog sa balikat ko "andito naman ako e, sabihin mo Jan" pangungulit nito sa akin

"mali ka Pau, matagal ka ng nawala sa akin" sabi ko sa kanya sabay harap sa kanya bagay na ikinabigla niya "absent ako, palpak ang mga grado ko ganun naman ako noon wala ng bago para sa akin doon" sabi ko sa kanya

"hindi ka na ganun Jan" pagtatanggol niya sa akin "sige nga sabihin mo para saan pa, para kanino?" sabi ko sa kanya

"tanga ako, wala akong lakas ng loob tignan mo nangyari sa akin ngayon" sabi ko sa kanya "nasasaktan ako, masakit na dito, dito sa tanginang pusong to" bangit ko sa kanya hindi ko na napigilang maglabas ng emosyon
"Pau nakilala kita, napalapit ang loob ko ikaw ang naging dahilan ng paggawa ko ng mga tama, pinilit kong maging maayos muli para sayo, nagpakatino ako nag - ayos ako para sa atin pero heto ako talunan pa rin" paluha kong sabi sa kanya

"alam mo bang gustung - gusto ko kunin ka sa kanya?, gustung - gusto ko na maibalik ka muli sa akin, gustung - gusto ko bumalik yung dati, yung dati na tayo lang dalawa"

"mahal kita Pau, mahal na mahal!" bangit ko sa kanya sabay na pagdaloy ng mga luha sa mata ko "at sa tuwing nakikita kita na may kasamang iba, masaya na kapiling siya daig pa ang sinaksak ako sa sakit na dinudulot nito" sabi ko sa kanya habang nagsimula na siyang umiyak at lumapit sa akin

"Jan I'm sorry, I'm really sorry" sabi ni Pau sa akin panay pa rin ang pag - iyak nito

"wala ka naman kasalanan Pau" sinimulan kong punasan ang bawat luha niya "tanggap ko naman ang lahat, alam ko kung saan ako lulugar" mahinahon kong sabi sa kanya

"tahan ka na, ayokong nakikita kitang umiiyak, labis labis ang sakit ang nararamdaman ko kapag alam kong hindi ka masaya" sabi ko sa kanya habang pinapatahan siya

"kahit ano kasing gawin ko ikaw talaga ang mahal ko, ikaw ang tinitibok nitong bagay na to sa dibdib ko" sabi ko sa kanya tumingin ako sa kanya nakita ko mejo okay na siya "alam ko na kung ano ang dapat kong gawin" nagsmile ng pilit sa kanya sabay alis ng bar ng kambal nagtext na lang ako sa kanila na may gagawin pa ako at nagpasalamat sa breakfast na libre hindi na rin ako pinigilan ni Pau hinayaan na lamang niya ako umalis

Pakiusap [part 13]

"anong ginagawa mo dito?" pagtatanong ko kay Alexis habang hindi ko inaalis ang tingin kay Pau "nagpaparty, malamang ano ba ginagawa sa simbahan?" pambabara sa akin ni Alexis "putragis to ah naisahan ako ah" bulong ko sa sarili "may sinasabi ka ba?" pagtatanong niya sa akin "wala akong sinasabi!" sabi ko sa kanya habang nasa kalagitnaan pa rin ng misa

"alam mo masyado ka ng obvious, pwede pakibawasan mo?" ang sabi sa akin ni Alexis sabay siko sa akin "ano ba yun? hindi kita maintindihan" ang tugon ko sa kanya "saan ka nga pala galing?" tanong ko sa kanya habang napansin kong tapos na pala ang misa "tumawag kasi yung banda wala daw yung singer baka pwede daw ako na lang muna, tara puntahan natin sila" sabay hatak sa akin ni Alexis patungo kila Pau at Alexis, hindi ko maintindihan pero lumalakas kabog sa dibdib ko

"oh Jan andito ka pala, dito ka ba sa subdivision nakatira bakit kasama mo to?" tanong sa akin ni Marc pagkakita sa akin at tinuro ang asungot kakambal si Pau naman ngumiti sa akin at nagsabi ng "hi Jan!" grabe ang ganda talaga ni Pau, lalo na kapag nakangiti siya hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti sumasaya ang pakiramdam ko

"tuwag si Jess wala yung singer ako ang proxy sa senti night ng bar mamaya, kailangan ko magpractice" reklamo ni Alexis kakatuwa akala mo bata na nalugi ang itsura natatawa ako sa babaeng to talaga "Marc hatid mo ako sa bar" tila inuutusan si Marc kung sa bagay iisang kotse lang pala sila kaya no choice "doon na kayo magbreakfast sa bar, sama ka na Jan!" pagyaya niya sa dalawa pati na rin sa akin halos wala na akong nagawa nalaman ko na lang sumasakay na kami sa kotse ni Marc

binuksan ako ang pinto sa harap para makapasok si Pau nag nod naman ito at ngumiti muli sa akin ako naman sabay bukas ng pinto sa likod at sumakay, natatawa pa ako kay Alexis akala niya pagbubuksan ko rin siya ng pinto kaya naiwan ito sa labas tumawa kaming tatlo pero hindi naglaon binuksan ko rin yung pinto para makapasok siya "gago ka talaga e noh!" bulyaw sa akin ni Alexis habang tumabi sa akin nakaupo ako sa likod ni Marc tamang tama para may maganda akong view kay Pau habang nasa harap siya, hindi ko naman maiwasang mayamot dahil sweet pa rin sila ni Marc dagdag mo pa ang napakaingay nitong kakambal na hindi natapos kakadaldal

sa bilis ng biyahe nakarating kami ng bar nila dahil siguro linggo at maaga pa kaya wala masyadong traffic naunang pumasok sila Marc at Pau habang nahuli kami ni Alexis na hindi pa rin natatapos sa pagdaldal
naupo na kami malapit sa may stage kumain muna kami ng breakfast at nagkwentuhan doon ko nalaman na pareho lang pala kami ng subdivision na nakatira yun nga lang mejo malayo ang block nila kesa sa bahay namin kung anu - ano na rin ang napagkwentuhan namin madalas puro sa school, hindi pumasok sa school namin itong si Alexis para naman daw hindi niya makita si Marc kahit ilang oras lang, tawa kami ng tawa sa kanya pero hindi ko pa rin maiwasang mapatingin kay Pau nabibighani pa rin ako sa bawat ngiti at tawa niya, ang maamo niyang mukha at matamis na mga ngiti hindi rin mawala ang pagkainis sa bawat pagkakataong nakikita silang sweet sa isa't isa

ilang minuto lang tumayo na si Alexis upang magpractice sa stage kami na lang tatlo ang naiwan nasa harap ko yung dalawa habang nakatalikod sila sa akin nagsimula ng kumanta si Alexis, maganda pala talaga ang boses nito daig pa ang totoong singer kung bumanat ng kanta

ilang kanta na rin ang napaparactice ni Alexis kakainis dahil puro love songs ang kinakanta nito "nang - aasar ba to?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin kami sa kanya, nadadala na ako sa bawat liriko na binabanggit ni Alexis lalo akong nalulungkot abot kamay ko ang babaeng tanging tinitibok ng puso ko, ang siyang nagbigay ng saya at kulay ng buhay ko, ang nagbigay ng inspirasyon sa akin sa panahong nakalubog ako pero ano ngayon piling siya ng iba at masayang masaya

hindi ko na kaya kaya mejo lumayo muna ako sa kanila at nagtungo ng bar para mag - order ng beer alam ko maaga pa para magpakalasing pero anong magagawa ko, inuubos ko ang laman sa bote na hawak ko habang nakatingin sa kanilang dalawa nagkukulitan, nagkkwentuhan masaya sa piling ng bawat isa

sa pagpatak ng bawat sandali
nakatikom lagi ang aking mga labi
inaaliw ang sarili sa musika
nananabik na makapiling ka
makapiling ka


hindi ko alam pero ramdam ko ang bawat luhang dumadaloy sa mata ko, nagiging emosyonal na ako hindi ko na napigilan kaya nagdesisyon na muna akong lumabas

Pakiusap [part 12]

hindi ko alam kung bakit pero hindi naging maganda ang tulog ko, hindi ko nga alam kung tulog ba na maituturing yon dahil panay ang dilat ng mga mata ko, magulo ang isip ko hindi ko na rin alam ang gagawin ko si Pau pa rin kasi ang tumatakbo dito pilit ko mang kalimutan hinding - hindi ko magawa, nasilaw na ako ng sinag ng araw tinignan ko ang orasan alas siyete na rin naman pala ng umaga nagpasya na lang akong bumangon at maligo na lamang trip kong maglakad - lakad sa labas

"late ka na nakauwi ah, hindi pa maayos ang park mo ng kotse" sabi agad ng erpat ko pagkababa ko sa hagdanan nagkakape ito at nagbabasa ng mahahababang dyaryo, hindi na lang ako sumagot at ngumiti na lang ako "okay ka lang ba Jan?" pagtatanong niya sa akin actually ngayon lang niya ako natanong ng maayos kahit alam ko na nag - aalala sila sken puro hindi magagandang salita ang naririnig ko sa kanila "okay lang ako" sabi ko sa erpat ko "saan ka pupunta? bakit hindi ka muna kumain?" tanong na naman niya "diyan lang sa labas maglalakad - lakad, mamaya na lang ako kakain pagkabalik" tugon ko dito sabay labas ng bahay, nakita ko na agad yung mga tao sa paligid abala sa mga kani - kanilang ginagawa hindi ko na sila masyadong inintindi pa lumabas na lang ako ng gate at nagsimula ng maglakad

"teka saan nga ba ako pupunta?" bulong ko sa sarili, hindi ko alam kung saan ako pupunta alam ko wala pang mall at arcade center na bukas ng ganoong oras "bahala na kung saan na lang dalhin ng mga paa" yan na lang ang nasa isip ko, marami na rami na rin ang mga taong gising ng ganung oras pagtataka ko dahil linggo naman kung maayos lang ang tulog ko baka bukas na ako gumising lunes, may mga naglilinis ng bahay, naglalakad din tulad ko, galing sa palengke at nag - eehersisyo, may ilang tao rin ang bumabati sa akin na hindi ko naman pinapansin naririnig ko na lang sinasabihan akong "suplado" o kaya hindi naman ay "bingi" okay lang hindi ko rin naman sila kilala wala na lang pakialamanan

nakarating ako ng club house ng subdivision, may ilan ding mga tao ang nandito may mga batang naglalaro sa playground, naliligo sa swimming pool, naglalaro ng lawn tennis at basketball, ngayon ko lang nalaman may court pala dito sarap sana maglaro kaso ramdam ko pa ang ngalay ng katawan ko dala ng bugbog, umupo ako sa may tabi ng court nanonood na lang baka sakaling maaliw sa mga naglalaro buti na lang may puno hindi ganoon kainit sa kinauupuan ko

nakarinig ako ng kampana, nilingon ko kung saan nanggaling ang tunog ng makita ko ang isang simbahan "nagkaroon na pala ng simbahan dito" pagtataka ko sa sarili ko hindi naman kasi ako palasimba tanda ko huling tapak ko sa simbahan ay nung nagkaroon ng confirmation sa aming eskwelahan, lahat kami nakumpilan noon kailangan daw e ako naman sunod

hindi ko alam pero parang tinatawag ako ng simbahan, may kung ano sa pagtunog ng kampana na nagpapalapit sa akin "ganoon na kaya ako kasama?" pagtataka ko sa sarili naiisip ko baka pwedeng bawasan ko muna kahit konti, wala na akong nagawa kundi lumapit at pumasok ang simbahan sa bandang likod na ako pumwesto dagsaan na rin kasi ang mga tao ilang minuto lang nagsimula na rin ang misa ewan ko bigla akong nabagot, hindi ako naging interesado sa sermon ng pari, tayo upo kanta, upo tayo kanta luhod, andaming ginagawa mabuti na lang nasa likuran akong bahagi ng simbahan ilang minuto ng nakatayo at nakasandal sa pader

"peace be with you!" sabi ng katabi ko, ganun din ang sinabi ng nasa harap ko at lahat ng tao sa loob ng simbahan, merong nagbebeso - beso, meron nagp.peace sign, meron naman simpleng batian lang, tinitignan ko lang lahat sila kung saan - saan din ako napapalingon habang abala ang lahat sa pagsabi ng peace be with you "teka si Pau ba yun?" napansin ko ang isang dalaga sa harap ko ilang metro din ang layo niya sa akin pero hindi pa ako sigurado kung siya nga ako naman hindi na inalis ang tingin sa kanya, hindi ko alam ang nararamdaman ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko kinakabahan pero alam ko masaya ako nagulat na lang sa nakita ko hinalikan niya yung lalaking katabi niya bigla akong lumapit sa kanila at nakita ko si Pau at Marc nga, biglang napalitan ng pagkainis ang kasiyahang naramdaman ko, hindi ko alam pero nanginginig ako sa kinatatayuan ko "ang sweet nila noh?" sabi ng babae sa tabi ko, kilala ko ang boses na yun at hindi ako nagkamali si Alexis katabi ko at balak pang asarin ako

Pakiusap [part 11]

"Alexis?" ang sigaw ni Marc alam kong siya yun "Marc? gago ka ikaw na naman pasimuno nito noh?" paglapit ni Alexis sabay batok dito "magkakilala silang dalawa? magkaibigan kaya sila?" naitanong ko na lang sa sarili ko habang nakatingin sa kanila "gago ka lagot ka kay Mommy! isusumbong kita nanggugulo ka na naman dito" ang bunganga ni Alexis sabay hampas kay Marc "magkapatid sila?" bulong ko "magkapatid kayo?" ang tanong ko sa kanilang dalawa habang takang - taka sa nangyayari sa harap ko

"ah oo Jan, actually kakambal ko ang gagong to!" sabay batok ulit kay Marc "takte nakakarami ka na ah, alam mo ng bugbog ako di ba? sila nanggulo hindi kami" sigaw nito kay Alexis, napansin kong ngiti lang ang ginawa ni Pau tugon sa nangyayari sa kambal marahil alam na niya siguro "Pauline pagsabihan mo yang boyfriend mo ah" sabi nito kay Pau "Alex hindi sila nagsimula, kami ang ginulo ng mga lalaking iyon" paliwanag ni Pau kay Alexis

"e teka bakit nadamay ka Jan magkakilala ba kayo?" pagtatanong ni Alexis sa amin "classmate ko si Jan, magkaibigan naman itong si Pauline at Jan" ang paliwanag ni Marc "napagtripan itong Jan, buti na lang at hindi umaatras to, sila ang nabugbog" sabay tapik sa balikat sa akin ni Marc "Jan si Pauline ba yung Pauuu --- aw masakit!" napahinto si Alexis sa pagsasalita ng nahawakan ko ang braso nito at hinawakan ng mahigpit, tinitigan ko ito ng masama at mukhang alam niya na ang ibig sabihin nito "kaya pala si Pauline ang naiisip ko nung nabanggit mo kanina sa akin si Pau, akalain mo small world isn't it?" sabi ni Alexis hindi ko alam kung nang - iinis na naman to habang bulong nito sa akin "tumahimik ka na!" bulong ko rin sa kanya

"kuya paki ayos na lang po muna itong kalat pakibilisan" utos ni Alexis sa mga waiter "makapag - utos ka daig mo pa may - ari nitong bar" sabi ko sa kanya "ah pare, pamilya namin ang may - ari nitong bar" ang sabi sa akin ni Marc tumingin kang sa akin si Pau, si Alexis tinaasan ako ng kilay sabay tawang pandemonyo "kaya pala ganun na lang kung umasta" bulong ko sa sarili "may sinasabi ka uhuging iyakin?" sabay hampas sa katawan ko itong si Alexis "aray naman takte" reklamo ko sa kanya, isang malakas na tawa lang ang narinig ko sa kanya

"Marc, Pauline mauna na kayo sa veranda susunod na lang kami nitong lasinggerong to" sabay turo sa akin "hoy hindi pa ako lasin----" sabi ko ngunit napahinto ako takpan ang bibig ko ni Alexis "ulol ako pa lokohin mo, amoy na amoy ka na tsaka kanina pa tayo magkasama" sabi ni Alexis sabay ng isang nakakarinding tawa
nakita ko si Pau inaalalayan si Marc paakyat ng veranda, mukhang alagang alaga niya si Marc na gustung - gusto naman ng gago lalo lang ako nainis sa nakikita ko, nakaramdam ako ng sakit sa pagkakadiin ni Alexis ng yelo sa mukha ko "dahan - dahan naman pwede?" reklamo ko sa kanya "ano kaya mo pa ba?" tanong niya sa akin sabay ngiti "oo naman hindi naman ako lampa, bukas wala na sakit na yan" sabi ko sa kanya "hindi naman yan e ito" sabay turo niya sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko "kanina ka pa nakatingin sa kanila, kaya mo ba?" tanong sa akin ni Alexis na sinagot ko naman ng isang pagtungo "huwag mong pilitin maging malakas dahil hindi ka si Superman, huwag mo ng ipilit kung talagang nasasaktan ka na" sabi niya sa akin habang patapos na ang pagpunas sa mukha ko hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanahimik na lang ako
tumayo na ako sabay naglakad ng bigla akong napatumba buti na lang may table sa tabi ko "saan ang kotse mo? hahatid na kita sa parking lot" inalalayan ako ni Alexis maglakad papunta ng parking lot "hindi mo naman kailangan pahirapan ang sarili mo ng ganyan" hinawakan ni Alexis ang kamay ko habang pasakay ako ng kotse isang ngiti lang ang iginanti ko sa kanya "maraming salamat Alexis, see you again!" ang sabi ko sa kanya sabay start ng kotse "hoy gago pagbalik mo bayaran mo mga ininom mo ah! sigaw na Alexis sabay tawa ng malakas ako naman umatras na sabay paandar ng sasakyan

Pakiusap [part 10]

papunta ako ng CR hindi ako makalakad ng maayos, hilong - hilo na ako mukhang naparami nga ang nainom ko kanina mas lalo akong nahihilo sa dami ng tao sa paligid ko, malakas na tugtog at malikot na mga ilaw, sa wakas nakarating din ng CR ihing - ihi na talaga ako

paglabas ko ng CR ganun pa rin sobrang ingay pero iba na pala ang naririnig ko may away na palang nangyayari sa loob tinignan ko sila nagkakagulo nga marami ng mga babae ang nagtitiliian hindi pa rin nahinto ang away, pumunta ako sa bar para mag - order ng maiinom ng tamaan ng kung ano ang bote ng alcohol na ibinigay sken ng waiter "wow naman iinumin ko na e natapon pa" sigaw ko sabay tingin sa direksyon kung saan nanggaling ang bumasag sa bote ko at nakita ko ang isang lalaking nakatingin din sa akin "mukhang mapapaexercise ako nito ah" bulong ko sa sarili ko

"pare nabasag yung inorder ko, ikaw ba ang bumato? sabi ko sa lalaking nasa harap ko "e ano ngayon kung ako papalag ka?" pananakot nito sa akin "e kung paano kung sabihin ko sayo na oo" matapang kong sagot sa kanya sabay lapit ng lalaki upang suntukin ako nakaiwas naman ako, nakasapak ako sa kanya "lasing ka na ata e" sabay suntok sa mukha niya sabay atras ng lalaki "gago ka ah, talagang palaban ka ah" pananakot nito sabay sugod sa akin nakaiwas ako nung subukan niyang suntukin ang kaliwang pisngi ko akala ko ayun lang hindi ko naiwasan ang pagsuntok niya sa kanang pisngi ko na nagpatumba sa akin sa sahig "ayos may warm - up na ako, game na" sabay sugod ko sa kanya hindi bale ng mabasag ang mukha o mabugbog ang katawan hindi ko lang talaga aatrasan ang ungas na to, nakisama na rin ang iba niyang kasama nakakailag ako nakakasuntok pero alam ko delikado kapag ako lang mag - isa, may tumulong sa akin grupo sila hindi ko na pinansin hanggang sa dumating ang mga pulis at naawat ang kaguluhan, marami ang nakapagturo sa kanila na sila ang nagpasimula ng kaguluhan kaya abswelto ako hindi na rin ako isinama sa presinto

"salamat pare sa tulong" nakipagkamay sa akin ang lalaki "oy Jan ikaw ba yan? ano meron napadpad ka dito?" si Marc pala ang lalaking to grupo pala nila ang unang ginulo ng mga hayop na yun "ah ano nakipagsuntukan kasama niyo haha" isang pilit na tawa ang naisagot ko iniinda ko pa rin ang pagkakasuntok sa mukha ko parang hinampas ang ulo ko sa lakas e "babe kamusta okay ka lang ba? ano masakit sayo? gusto mo magpunta tayo ng doctor?" pakinig ko ang isang babae na alalang - alala sa kanya nung tinignan ko ito "Jan? Jan ikaw ba yan? pati ba ikaw nadamay din?" nilapitan ako ni Pau hinawakan ang mukha ako inaalala kung okay ako "ano kamusta ka? masakit ba? dumudugo ang ilong at labi mo, may masakit pa ba sayo?" natatameme ako feeling ko nawala ang sakit na natamo ko nung nakita ko si Pau, lalo na nung lumapit siya, hawakan ako at mag - alala para sa akin "ikaw Marc, tara maupo ka doon para maayos yang kalagayan mo" sinabi ni Pau kay Marc nagsimulang maramdaman ko ulit ang sapak sa katawan ko
"Jannnnnn! ano nangyari okay ka lang ba?" ito na siya si Alexis malayo pa lang sumisigaw na sabay lapit sa akin, hinawakan ang mukha ako at katawan ko nag - aalala kung okay ako "aray! dahan dahan naman halata naman hindi ba bugbog ang buong katawan ko e" pasigaw kong nasabi sa kanya dahil sa agresibong kilos nito

Pakiusap [part 09]

"saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa babaeng hawak - hawak ang braso ko "doon sa may veranda mahangin dun hindi masyadong maingay" sabi ni Alexis hindi ko alam ang trip nitong babaeng to hindi ko naman kilala pero kung magkwento daig pa barkada ko sa ingay e "maganda pala to" nasabi ko sa sarili ko habang tinitignan si Alexis habang naghahanap ng mauupuan "hoy alam kong maganda ako baka matunaw ako tigilan mo na ang pagtitig sa akin halika na dito" mayabang na pananalita ni Alexis "hahaha tigas ng mukha mo! tignan mo nga yang mukha mo puno ng make - up hindi katulad ni Pau" napahinto ako sa sinabi ko bigla ko na lamang naubos ang isang bote ng alak sa harap ko

"e ano ngayon? tsaka nag - aayos talaga ako noh maganda ako!" sabi niya sa akin habang nakatayo na nagmamalaki, sa totoo naman ay maganda siya bilugan ang mg mata dahil siguro sa make up matangos ang ilong na maamo ang mukha "tsaka sino yung Pau? ay alam ko na siya yung nambasted sayo noh" ang pang - aasar na ginagawa niya sa akin "bakit ka niya binasted? kuripot ka siguro, hindi ka naman mabaho pero maligo ka kasi ang dungis mo tignan e adik ka noh?" tawa na naman niya kakairita habang tumatagal lumalakas ang tawa nitong babaeng to "may syota na siya" mahina kong sabi sa kanya sabay inom ng alcohol "ah torpe ka? takteng yan sa angas mong yan tsope ka pala? hahaha ayan kasi ambagal mo nauunahan ka tuloy" pang - aasar niya sa akin

"hindi ako torpe noh!" pagtatanggol ko sa sarili ko "pinahalagahan ko lang ang pagkakaibigan namin, masaya kami sa piling ng isa't isa, hindi naman ako nagmamadali noon, ayoko rin naman mabigla si Pau sa akin, malaki ang respeto ko sa kanya kaya ayoko pwersahin siya o madaliin" ang sabi ko sa kanya sabay inom ng alcohol hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko "asus gumaganun ka pa oh anong napala mo? edi naunahan ka" tuloy pa rin ang pang - aasar niya sa akin "mahal mo talaga noh?" pagtatanong niya sa akin pero hindi ako sumasagot panay lang ang inom ko habang siya panay pa rin ang pang - aasar sa akin "hoy ano akala mo jan tubig? andami mo ng nainom baka lasing ka na dagukan kita kapag nagwala ka dito" pagbabanta niya sa akin "gago kaya ko sarili ko hindi ako madaling nalalasing kaya ko sarili ko" sabi ko sa kanya pero sa totoo lang may hilo na akong nararamdaman "oh edi sige inom pakyu ka bayaran mo to lahat ah"  tawa na naman niya ng napakalakas kakarindi

"oo nga pala, bakit ba palaging ako ang tinatanong mo?" tanong ko sa kanya "e sino ba ang umiiyak dito? tulo sipon pa hahaha" tumawa na naman siya ng napakalas "pwede ba hinaan mo ang tawa mo habang tumatagal lumalakas e nakakarindi ka" sigaw ko sa kanya "okay relax ka lang sir" tumawa na naman siya "dj ako dito kapag minsan kapag walang singer ganun na din ako" ang pagkwento niya sa akin "matagal na ako dito nagwowork" sabi niya sa akin "ikaw nag - aaral ka pa ba? classmate mo ba yang si Pau?" pagtatanong niya sa akin "yup nag - aaral pa kami ni Pau pero ahead ako kay Pau ng isang year" kwento ko sa kanya sabay tayo sa kinauupuan ko para gumamit ng CR "oh saan ka naman pupunta?" tanong na naman niya "punta ako CR ano sasama ka?" sabi ko sa kanya na mejo inis na "of course not! nagtatanong lang ako noh, oh pagbaba mo sa left ha" sabi niya sa akin "oo na nanay, alam ko na po" pang - aasar ko sa kanya sabay bato ng plastic na baso sa akin

Pakiusap [part 08]

andito  na naman ako sa mausok at madilim na lugar na ito, maraming tao at napakaingay wala na akong pakialam ang nasa isip ko lang uminom at magpakalasing ngayong gabi, iba’t ibang tao ang dumadaan sa harap ko hindi ko alam kung bakit nila ako tinitignan, mga wala sigurong magawa hindi na lang pakialaman ang sarili nilang buhay
 
ilang minute rin ang lumipas ng may isang babae ang tumapat sa harap ko, ngumiti ito sa akin at bigla nitong ibinuhos sa ulo ko ang hawak niyang alcohol, “ano ba ang problema mo?” sabay tayo ko upang makakuha ng tissue sa bar at mapunasan ang sarili, nagtungo ako ng CR para ayusin ang sarili, nakita ko ang sarili ko halatang walang tulog, maitim ang mga mata at may mga patak pa ng mga luha, hindi ko pala napansin na habang nag – iisip tungkol kay Pau umiiyak na pala ako, naghilamos ako upang ayusin ang sarili sabay labas ng CR
 
“oh ano? gising ka na ba?” ang sabi ng babae, ”ikaw yung nagbuhos sa akin kanina, anong problema mo?” pasigaw nitong sabi sa babae, “relax ka lang, oh heto upo tayo doon” sabay nguso sa kinauupuan ko kanina ako naman gago sunod sa kanya, “sino ba to? anong trip nitong babaeng to?” nasabi ko na lang sa isip ko
“kanina pa kita nakikita, akala ko nga baliw ka e hahahaha” bungad niya sa akin habang umupo ako sa tapat niya ”ano ba problema mo?” “kung makainom ka ginagawa mo ng tubig ang alak ah” sabi ng babae sa harap ko “miss, may pambayad ako kung gusto mo kumuha ka pa ng sayo ako na bahalang magbayad” ang naging tugon ko sa kanya “hahaha nakakatawa ka huwag mo ipagyabang sa akin na marami kang pera, ako nga pala si Alexis” sabi niya sa akin sabay buga ng usok mula sa kanyang sigarilyo, “ayos tong babaeng to marunong pa humithit” bulong ko
 
“broken hearted ka no?” sabi ni Alexis ”pwede ba huwag ka nga masyadong matanong naiirita ako” sabi ko sa kanya “hahaha, tarantadong to ikaw na itong tinutulungan e” “hoy mister! ano nga pala pangalan mo?” tanong na naman niya “Jan” sigaw ko sa kanya  “Tiyan? ang pangit ng pangalan mo! Hahaha” tawa ng malakas ni Alexis “gago Jan! J-A-N jan! jan! jan!” sigaw ko sa kanya “kailangan galit ka? masyado kasing maingay dito so Jan . . . !” paliwanag niya sa akin, salita siya ng salita sa harap ko pero walang na ni isa ang pumapasok sa kokote ko, nakatingin lang ako sa kanya, daldal niya hindi ko mabilang kung ilang beses bumuka ang bibig niya ambilis magsalita parang pwet ng manok nakakatuwa itong babaeng to “oh ngayon tatawa – tawa ka jan, kanina para kang tanga umiiyak mag – isa dito, kaya kita nilapitan at binuhusan baka sakaling nananaginip ka at magising na kita sa panaginip mong yan” sabi niya sa akin kaya pala ang lakas ng trip nitong buhusan ako ng alcohol sa ulo buti na lang din ginawa niya yun kaya pala nasa akin ang mata ng mga tao dito sa bar na ito, ayun pa rin siya nagsimula na namang bumuka ang bibig niya at mabilisang pumutak, hindi ko talaga naiintindihan basta nakangiti na lang ako sa kanya habang umiinom kasama siya 
 
binato niya ako nga baso “oh ano na naman ba problema mo?” pasigaw kong sabi sa kanya “kanina pa ako tanong ng tanong sayo nakangiti ka lang abnormal ka ba talaga?” asar niyang tanong sa akin “natutuwa kasi ako sayo, ano bang sabi mo?” sabi ko sa kanya “ewan ko sayo, sabi ko ngayon lang ata kita nakita dito sa bar” pagtatanong na naman niya “pangalawang beses ko na ditto, gusto ko lang lumayo – layo nahanap ko tong bar na to, cool nga e mukhang mapapadalas ako dito” sabi ko sa kanya “so pugante ka pala hahaha” tawa na naman niyang malakas, alam mo yung tawang nakakairita sa lakas kailangan ko pagtiyagaan mas okay na to kesa naman magmukmok ako dito mag – isa “tara sama ka sa akin doon tayo” sabay nguso sa bandang taas ng lugar ”ayoko baka kung ano pa gawin mo sa akin” sabi ko sa kanya sabay tawa “ulol! Hindi kita type no tsaka tignan mo nga sarili mo ang dungis mo hindi ka yummy” sabay tawa ni Alexis inilapit ko ang mukha ko sa kanya saktong ilang pulgada na lang maglalapat na ang labi naming dalawa sabay ngiting demonyo”talaga lang ah” sabi ko sa kanya “gago! hindi ako easy girl no gusto mo ipabugbog kita sa mga bouncer dito? pagbabanta niya sa akin sabay tawa ng malakas hinatak niya ang braso ko para makatayo at tumungo sa itinuro niya kanina ako naman itong sunod sa kanya

Pakiusap [part 07]

nabigla si Jan sa narinig, hindi siya halos makagalaw sa kanyang kinauupuan, "uhmmm ahhh ganun ba hehe, Congrats Pau!" habang nagsisimulang tumulo ang luha sa kanyang mata, bigla na lamang ito napatayo at pinunasan ang mga mata "hehe, ahh maalikabok pala dito napuwing ako, congrats sa inyo ni Marc bagay kayo paano una na ako may gagawin pa pala ako  ingat ka na lang" nagmamadaling sabi ni Jan at umalis ngunit nahawakan ni Pau ang kanyang braso "Jan, sorry" "wala yun" sabi ni Jan sabay ng isang pilit na ngiti sa dalaga

naglalakad si Jan pauwi sa kanila habang tuliro at tila wala sa kanyang tamang kamalayan, tumutulo ang luha nito sa kanyang mata, matinding sakit ang kanyang nararamdaman, naalala niya ang bawat sandali na magkasama sila ni Pau, masayang nagtatawanan, nagkukulitan, araw - araw sa lilim ng puno magkatabi sila panatag ang loob niya, bagay na wala na siyang hihilingin pa ngunit ngayon iba na ang hatid sa kanya *matinding busina ang nanggaling sa sasakyan* "magpapakamatay ka bang hayop ka?" sigaw ng mamang bumaba sa kanyang sasakyan, sa pagkagulat sa nangyari bigla na lamang ito napaatras, napaupo at tuluyang napaluha sa gitna ng daan

dito muling nagsimula ang palagiang pagkukulong ni Jan sa kanyang kwarto, hindi makakain at palaging lango sa alak, pilit niyang inaalis sa kanyang isipan si Pau, ang kanyang pagmamahal na nararamdaman para sa dalaga, palagi na itong umaabsent sa kanyang klase kung pumasok man ay tuliro at hindi makapokus sa mga aralin, dagdag pa rito ang selos na dulot na nakikita niyang masaya si Pau kasama si Marc, iniisip na kung sana noon pa lamang ay sinabi na nito ang tunay na nararamdaman at hindi natakot marahil masaya sila ngayon sa piling ng isa't isa, madalas kasi nagkakaroon na tayo ng pagkakataon sa isang bagay pero mas nauuna nating maramdaman ang takot at nauuwi na lamang na nanghihinayang at luhaan
madalas ang pagpunta ni Jan sa mga bar, kasama ang iba't ibang babae sa ideyang sa pamamagitan nito makakalimutan si Pau ngunit nagkamali ito at mas lalo lamang niya narerealize kung gaano ang naging tama na naidulot sa kanya ni Pau, palaging hanap - hanap pa rin nito ang dalaga

Pakiusap [part 06]

nagkita muli si Pau at Jan sa canteen, break time ng mga oras na yun hindi alam ng binata ang nangyari pero alam niyang hindi normal, hindi naman sila ganito dati e, hindi rin alam ni Jan ang gagawin tanging ngiti lamang ang nagawa nito sabay yuko at pagmamadaling naglakad palayo kay Pau, "kamusta ka na Jan?" sabi ni Pau biglan naman itong napahinto at sinabing "okay naman ako" hindi pa rin nito nilingon ang dalaga bagkus nagpatuloy sa paglalakad

nagpatuloy ang panlalamig ni Jan kay Pau na hindi nagugustuhan ng dalaga, si Jan naman walang ibang magawa kundi lumayo kahit tila sinasaksak nito ang kanyang puso sa tuwing iiwasan ang dalaga "ano ba ang kailangan kong gawin?"

nagpatuloy ang ganitong sistema sa pagitan nilang dalawa, hindi na sila madalas magkita ngunit nananatiling nakaupo at naghihintay si Jan sa ilalim ng puno baka sakaling makarating si Pau sa kanilang tagpuan
ayaw ko na ng ganito, hindi ko alam kung makakayanan ko pa ang nararamdaman kong to kailangan kong lumaban, kailangan masabi ko na ang tunay kong  nararamdaman, kailangan malaman na niya na ako ang tunay na nagpapadala sa kanya ng mga sulat, kailangan malaman na niya na matagal ko na siyang mahal ito ang nasa loob ng kaniyang isip, bilis ng bawat pagtibok ng puso may pagkahalong kaba, saya at excitement ang kanyang nadarama "kailangan ko makita si Pau" ang masiglang sabi ni Jan

mabilis na lumabas ng klase si Jan upang pumunta sa kanilang tambayan, pawisan at nilalamig ang kaniyang katawan bagay na hindi niya ininda ang mahalaga ay masabi ang kanyang nararamdaraman
"Pau, pwede ka ba makausap?" ang sabi ni Jan, "oo naman, miss na nga kita ano ka ba sige doon tayo sa may hagdanan" sabi ni Pau at nagtungo nga ang dalawa sa may hagdanan at umupo "alam kong mali, hindi ko rin naman ito sinasadya marahil naduwag lang ako, hindi ko rin kasi alam ang dapat na gawin, sa paglayo ko sayo pasensiya ka na hindi ko kasi alam kung ano ang pwede kong gawin, Pau simula nung nakita kita hindi ka na naalis sa isip ko, ikaw ang palaging sumasagi dito laking tuwa ko nga nung nakita kita, nakilala at naging kaibigan, sa bawat araw na magkasama tayo lalo akong napapahanga sayo, gusto ko palagi tayong magkasama, kwentuhan, kulitan, tawanan Pau mahal kita! naging duwag ako na sabihing kapatid lang ang turing ko sa iyo, at nung nalaman kong nanliligaw sayo si Marc para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi ko alam ang gagawin naduwag ako pero heto ako sa harap mo, Pau mahal kita!" hinawakan ni Jan ang kamay ni Pau " Pau, mahal kita, ito ang tunay na nararamdaman ko, mahal kita" inalis ni Pau ang kamay ni Jan sa kanyang kamay na ikinagulat ng binata, "Jan, kami na ni Marc, sinagot ko na siya"

Pakiusap [part 05]

isang linggo ang lumipas halos hindi sila magkita ng dalaga, pahapyaw hindi katulad ng dati exams weekng school, hindi tulad ng regular na schedule hindi tugma ang kanilang mga libreng oras, bagay na ikinalungkot ni Jan ngunit naiiintindihan niya, patuloy pa rin itong nagpupunta sa ilalim ng puno s
malapit sa school grounds, naghihintay kahit alam niyang hindi makakarating si Pau

"Jan!" tawag ng dalaga sabay yakap ng mahigpit dito, natulala si Jan at halos hindi makapagsalita "woi okay ka lang, namiss kita kamusta ang exams mo?" tanong ng dalaga sa kanya "ah wala to, kinilig lang este nabingi lang maingay ka kasi, okay naman nasagutan ko lahat pakiramdam ko nga e ako ay magiging pinakamataas doon" pagmamayabang ng binata, "ang yabang nito, pakita mo sken exam results mo, nga pala doon sa mga sulat na nakukuha ko sa gamit ko, kilala ko na kung sino siya" ang sabi ni Pau bagay na nagpakaba kay Jan, hindi niya alam ang gagawin para siyang pinagpapawisan ng malamig at sabing "ah talaga? s - sino naman?" pangangatog nito sa pagtatanong "hmpf! pakipot ka pa, akala mo hindi ko malalaman ah" ang sabi ni Pau kanya "si Marc, yung classmate mo!"

"ano? si Marc? paanong siya? imposible!" ang pagalit na sinabi ni Jan, "huh? bakit naman? e kinausap niya kasi ako last Friday, uwian namin nagtapata siya na matagal na daw niya akong crush, balak na kausapin at ligawan, wala lang daw lakas ng loob upang magtapat madalas nakikita lang tayo magkasama nagkkwentuhan, hindi niya magawang lumapit at magpakilala" sabi ni Pau kay Jan habang nagtataka kung bakit balisa at tila galit ang binata "okay ka lang ba? natatawa nga ako e kasi sabi niya akala niya tayo na dalawa" ang sabi ni Pau, tumingin si Jan sa dalaga hinawakan ang kamay at sinabing "anong naman ang sabi mo?" pagtatanong ni Jan "sabi ko hindi, super close lang tayo sabi ko nga imposible kasi nakababatang tingin lang ang tingin mo sken" nabitawan ni Jan ang kamay ng dalaga, hindi niya alam pero parang may kirot siyang naramdaman ngunit naisip na kasalanan niya iyon, siya din kasi nagsabing ganun sa kanya "hahaha, oo nga naman kuya mo ako, sisiguraduhin kong walang makakapanakit sayo" sabi ni Jan bagay ba pinagsisihan niya
asar na asar si Jan sa sarili, nabbwisit dahil sa pagiging torpe nito sa pagsasabi ng kaniyang tunay na nararamdaman para kay Pau, gabi - gabi hindi siya makatulog dahil sa selos na nararamdaman, ilang linggo na rin kasing hindi na madalas magkita ang dalawa, magkita man madalang na ito kakaunting oras upang magkamustahan at magkwentuhan madalas pa ay puro paglalahad ng paglabas ni Pau at ni Marc na lalong nagpabwisit at nagpaasar sa binata

unti - unting bumalik ang dating Jan, madalas na itong nagkukulong sa kanyang kwarto, malungkot at palaging gustong mapag - isa, bagay na ikinabahala ng kanyang mga magulang, ganoon din siya sa kanyang pag - aaral nawawalan ng gana, hindi nakikinig madalas nahuhuling natutulog bunga ng gabing hindi makatulog sa pag - iisip patungkol kay Pau "bakit ganito?" "ano ba ang nagawa ko?" "hindi ko na gusto ang nararamdaman ko" "nasa akin na ang pagkakataon, abot kamay ko na ang lahat para sa aming dalawa ngunit bakit ganoon tila lahat ng ginagawa ko ay napunta lamang sa wala" ang paglalahad ng damdamin ni Jan habang lango sa alak at sakit na nararamdaman

Pakiusap [part 04]

hindi na naalis sa isip ni Jan si Pau, nakakapanibago ito para sa kanya kakaiba itong pakiramdam sa kanya pero ang tanging alam niya dito siya masaya, ito ang bagay na matagal na niyang hinahanap noon pa
madalas na silang nagkikita sa eskwelahan, mas bata ng isang antas si Pau sa kanya kaya madalas si Jan ang palaging taya sa kwentuhan, doon pa rin sila sa puno malapit sa school grounds sila magkwentuhan, mas presko daw kasi at mas relax dahil hindi gaano kainitan at tahimik pa, "sa lahat ng nakilala ko dito sa school, ikaw lang ang talagang nagpapasaya sa akin, thank you for always being there for me" sabi ni Pau kay Jan habang silang matamis na ngiti ang ginanti ng binata, ganito ang madalas na nagiging takbo ng kanilang pagiging magkaibigan, sa bawat free time nila hinihintay nila ang isa't isa sa puno doon sila tatambay, kakain, magkkwentuhan, mag - aasaran, magbabahagi ng sama ng loob sa isa't isa at kung anu - ano pa, kung may bagay man na magpapatunay ng pagiging malapit ng dalawa sa isa't isa, sa tunay na kaligayahang kanilang nadarama kapag sila ay magkasama yun ay ang puno malapit sa school grounds

nagbago na si Jan pagdating sa kanyang pag - aaral, masasabing nagbigay ng matinding inspirasyon ang dalaga sa kanya upang magbago at maging magaling sa kanyang pag - aaral, hindi na ito nahuhuli sa kanyang mga klase, nakakapasa na ito at nakakakuha na ng magagandang grado bagay na tuluyang ikinatuwa ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang mga magulang, nagtataka sa biglang pagbabago ng kanilang anak mula sa pagiging walang buhay sa pagiging masiglahin at masayahin sa lahat ng oras hindi na nila naisipang ungkatin ang bagay na nagpabago dito bagkus dalangin ito ay magtagal at magtuloy - tuloy sa magandang pagbabago
hindi na malaman ng binata ang kanyang nararamdaman madalas naitatanong niya sa sarili "bagay ba kami?" "mamahalin niya rin kaya ako?" "magiging kami kaya?" bagay na hindi niya sigurado ang kasagutan ngunit alam niya sa kanyang sarili masaya siya sa bawat pagkakataong magkasama sila ni Pau, hindi niya kailangang magpanggap at nagiging totoo siya sa kanyang sarili sa bawat pagtatagpo nila, alam niya sa sarili niya kailangan niya si Pau higit sa kanino man sa buhay niya at mahal na niya ang dalaga

hindi niya alam kung saan magsisimula, gusto niya lang mangyari ay malaman ng dalaga ang kanyang nararamdaman patungkol dito at kung maari ay kanyang maging nobya, mas lalong pinagbuti ni Jan ang kanyang pag - aaral ito kasi ang madalas na binibilin sa kanya ni Pau "alam ko matalino ka, siguro ay distracted ka lang kailangan mo lang magfocus sa pag - aaral mo, ituon mo ang sarili mo dito at naniniwala ako makakaya mo, mapapakita mo na tunay na magaling ka" mas lalong naging sweet ito sa dalaga, maliban sa panlilibre ng merienda ay nagbibigay pa ito ng mga bulaklak bagay na ikinatutuwa at nagpapakilig sa dalaga, si Jan madalas ang paggawa ng mga lihim ng pag - ibig para kay Pau, palihim na inilalagay o iniipit sa mga gamit nito sa bawat pagkakataong sila ay nagkikita "mahal kita Pau! gagawin ko ang lahat para sayo, ibibigay ko lahat ng bagay na hihilingin mo" ang bigkas ni Jan habang kausap ang sarili sa salamin "ugh, bakit wala akong lakas na sabihin sayo ng harapan" bagay na problema ng binata kaya patagong nagpapahiwatig ng pagmamahal sa dalaga

"alam mo ilang beses na akong nakakatanggap ng sulat" ang sabi ng dalaga, "ano naman sulat?" ang pagtatanong ni Jan, "love letters, ayoko naman maging makapal ang mukha pero palagi niya kasing sinasabi na masaya siya kapag nakikita niya akong masaya, gusto niya akong nakikitang nakangiti alam niya nga halos ginagawa ko e, minsan naisip ko nga ikaw kaya to? hahaha ang kapal ng mukha ko" sabi ni ng dalaga "hahaha asa ka naman, sa tingin mo type kita? e parang kapatid na kita noh" ang pagtanggi ng binata, bagay na kinabwisit nito at gustong sabihin na "oo, ako nga iyang taong nagsusulat sayo, taong nagmamahal sayo, taong handang gawin at ibigay ang lahat sayo, taong ipagtatanggol ka sa lahat ng pagkakataon" ngunit hindi, walang lakas na loob upang sabihin ng lakas - loob