"okay ka lang ba anak?" tanong sa akin ni tatay pagkakita niya sa akin kinaumagahan ng Linggo
"opo naman tay, bakit naman po?" pagtatakang tanong ko kay tatay
"narinig kasi kita kagabi iyak ka ng iyak tignan mo yang mata mo namumugto, anong problema mo anak?" nabigla ako sa sinabi ni tatay hindi ko akalain na alam niya pala na umiiyak ako kagabi
"wala po yun tay, okay lang po ako wag niyo na po ako alalahanin pa" pag - iwas ko kay tatay, alam ko naman na may ideya na siya kung bakit ayoko na lang talaga pag - usapan pa
pinilit kong ibahin ang bagay na pag - usapan namin ni tatay, hangga't maari iniiwasan kong mabanggit si Jake sa usapan, o maibalik sa pag - iyak ko huwag ngayon, natapos kaming mag - agahan ni tatay na parang nakalimutan na namin ang nangyari kagabi, agad ko namang niligpit ang kinainan at nagsimula na rin akong mag - ayos ng bahay naisip kong magsimba kahit ako lang mag - isa dali - dali akong nagbihis at nagtungo ng simbahan
nakarating ako ng simbahan at nakinig na sa misa, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maialis sa isip ko ang nakita ko kagabi, ang naging tawagan ni Jake at ng babaeng iyon, ang masaya niyang kwentuhan at ang hahalikan nilang dalawa na aakalain mong magkasintahan, hindi ko mailagay ang isip ko sa misa alam ko kasalanan ito pero alam ko ang simbahan ang isa sa mga lugar kung saan magiging kalmado't maayos ang isipan ko
natapos na din ang misa pilit kong makinig sa sermon ng pari hindi ako nagkamali kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko, ang sakit at kalungkutan na nararamdaman ko kahit wala akong karapatan dahil umasa lang ako, umasa ako na mamahalin din ako ni Jake pero nagkamali ako nagpadala sa damdamin ko kaya ito ako ngayon talunan
"miss, okay ka na ba?" tanong sa akin ng isang lalaki sa aking likuran habang ako ay papalabas na ng simbahan
lumingon ako para tignan ang lalaking ito, matangkad ito maputi maamo ang kanyang itsura at nakangiti sa akin, hindi ko kilala ang lalaking ito ngayon ko lang siya nakita
hindi ako nakasagot sa kanyang tanong, kahit nakangiti siya sa akin hindi ko pa rin alam ang sasabihin, napakaganda ng ngiti nito aakalain mong bata dahil sa masaya at positibo niyang aura
"oo nga pala, ako pala si Paul" sabay abot niya sa akin ng kamay niya para makipagkamay sa akin, inabot ko naman ito at nakipagkamay din
"Grace" ang tanging tugon ko sa kanya
hindi sa pangbabastos sa kanya hindi lang siguro maganda ang pakiramdam ko kaya tumalikod na akong muli para makauwi na sa bahay, wala akong ganang makipagkilala sa ngayon
"nakita kitang umiiyak kagabi, okay ka na ba?" bagay na nagpahinto sa akin sa paglalakad nagpunta siya sa aking harapan para ako ay makausap biglang pumasok sa aking isipan ang lalaking nabangga
"ikaw?" ang tanong ko sa kanya na kanyang sinang - ayunan
hinawi niya ang aking buhok sa bandang tenga "maganda ka pala talaga e, huwag ka ng iiyak ha" sinabi niya sa akin habang nakangiti
"sino ba ang lalaking ito?" natanong ko sa sarili ko habang litong - lito sa nangyayari
"pasensiya ka na kagabi" nasabi ko sa kanya
"gusto mo bang kumain?" pagyayaya niya sa akin
"hindi na, mejo busog pa naman ako kailangan ko na rin kasi umuwi sa bahay" nginitian ko siya sa pagtanggi sa kanyang pag - alok, hindi ko siya kilala pero ramdam kong hindi siya masamang tao
"mauuna na ako sa iyo"
bigla niya akong hinawakan sa balikat "ano ba talaga ang intensiyon ng lalaking ito?"
"yung babaeng nakita mo kagabi si Kate yun, girlfriend ni Jake galing abroad" bagay na talagang ikinabigla ko, unti - unting bumabalik ang sakit na naramdaman ko kagabi
"kung may girlfriend pala siya bakit ganun siya sa akin? pinaglalaruan niya lang ba ako? ginawa niya lang ba akong kapalit habang wala ang girlfriend niya? bakit kailangan niya akong gamitin at paglaruan ang nararamdaman ko sa kanya?" maraming tanong ang pumapasok sa isip ko, unang beses kong masaktan ng ganito hindi ako akalain na ang nararamdaman ko kay Jake, ang paghahangad ko ng maganda para sa amin ay bunga lamang pala ng aking pag - aasam at mananatiling pangarap dahil may girlfriend na siya habang ako umasa na magiging kami, na magmamahalan kami
"hindi ako magaling magpayo pagdating sa love love na yan" nagsalita siya kaya napalingon ako sa kanya at makitang muli ang kanyang maamong mukha
"pero andito ako para damayan ka, para makinig sa mga hinanakit mo, andito ako para sayo" hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon sa kanyang sinabi, isang lalaki na handang makinig sa akin ngunit ngayon ko lang siya nakita
tinignan ko siya para ngitian sa kanyang mabuting pakikitungo sa akin
"pwede ko ba malaman kung sino ka ba talaga?"
"paano mo nga pala ako nakilala, dahil lang ba kagabi?"
ngumit siya sa akin "ako nga pala si Paul Francis Martin, ang inyong lingkod" nakakatuwa dahil bigla pa itong yumuko sa aking harapan tumayo ulit ito at ngumiti sa akin
napansin niya siguro na halos pinagtitinginan na kami ng mga tao sa may simbahan, lumapit siya sa akin para ako ay bulungan
"pinsan ako ni Jake, and I think I like you" tinignan ko lang siya habang nakangiti siya sa akin

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento