"hoy batugan gumising ka na! alas nuebe na!" -- takteng yan late na ako alas diyes ang klase ko, agad - agad kong bumangon, naligo, nagbihis sabay alis ng bahay, hindi ko na nagawang mag - almusal dahil alam kong late na ako sa klase ko lagot na naman ako sa prof ko nito, baka tuluyan na akong ibagsak nun, may nakitang pampasaherong jeep pinara at madaling sumakay at naupo

"nananadya ba ang pagkakataon?" ani ko, kung kelan naman nagmamadali saka pa nahuli ang sinasakyan ko, sermon ang aabutin ko sa nanay at tatay ko nito, huwag lang sana ako tuluyang ibagsak ng prof ko, malamang hindi na maniwala yun sa magiging palusot ko, habang inis at pawisan na nakaupo sa jeep biglang pumasok sa aking isipan ang babaeng aking napanaginipan "sino kaya siya?" "totoo kaya yun?" "makikilala ko kaya ang babaeng iyon?" tanong ko sa sarili, hindi naman talaga ako naniniwala sa panaginip, madalas ang napapanaginipan ko hindi naman nagkakatotoo pero sino kaya yun at bigla na lamang siyang pumasok sa isipan ko

15 minuto na akong late ng dumating ako na eskwelahan, nagmamadali at tumatakbo na akong kumakaripas papunta sa aking kwarto, tahimik ang klase, walang prof na nakatayo at nagtuturo sa harapan, pumasok ako sa likod na pintuan sa akalang hindi ako mapapansin, mabuti na lamang at nasa bandang likuran ang aking kinauupuan, marahan akong naglakad at maingat na naupo, nakahinga na ako ng maayos mula sa pagkahapo ng pagtakbo ng biglang "Good Morning Mr. Manalo!" oh shit! nasa likod ang prof hindi ko napansin sa pagmamadali ko at nagkaroon pala ng biglaang pagsusulit kaya tahimik ang klase, "G - Good Morning Mam!" habang nakayukong hiyang hiya na tumugon, hindi ako makalingon habang napansin kong pumwesto siya ang aking harapan, patuloy akong nakatungo at hindi alam ang gagawing reaksiyon, "tumayo ka at lumabas ng kwarto na ito!", "Mrs. Rivas" ang nasabi ko, "Now!" wala na akong nagawa kundi lumabas na lamang ng kwarto, "ang malas talaga ng araw na ito" naglalakad na ako sa hallway pababa sa may puno malapit sa cafeteria, dun na lamang ako tatambay habang naghihintay sa susunod na klase

tamang - tama tahimik ang paligid, pwede siguro akong matulog habang naghihintay, kinuha ang shades sa bulsa at isinuot ito, hahaha para habang tulog nakaporma pa rin hindi ba? maganda ang tagpong iyon hindi gaanong kainitan sa ilalim ng puno tamang - tama upang matulog, "huhuhu" "huhuhu" "huhuhu" ang pagtataka ko, agad kong hinanap kung kaninong pag - iyak ang aking naririnig sa likod ng aking pwesto may isang babaeng nakayuko at panay sa pag - iyak nilapitan ko ito "miss, anong problema mo?" hindi niya ako sinagot bagkus patuloy sa pag - iyak hanggang sa tinapik ko ang kanyang balikat, lumingon ito sa akin, nakita ko ang mapupula niyang labi, matangos na ilong at luhaang singkit na mga mata, nagkatitigan kami ng matagal, bagay na hindi ko maintindihan, pumasok sa aking isipan ang itsura ng babae sa aking harapan, ito ang itsura ng babae na aking napanaginipan, masungit ngunit may matamis na ngiting iwan ngunit bakit ganito? malungkot siya at luhaan, ano ang nangyari? bigla na lamang itong tumayo at nagmadaling tumakbo hindi ko namalayan ang nangyari, ang alam ko hinabol ko siya at nahawakan ang kanyang kamay sabay abot ng aking dalang panyo sa kanya, siya ay napahinto at walang tutol na kinuha ang panyo sa aking kamay sabay talikod at nagmadaling naglakad papalayo, lumingon ito sa akin at kami ay nagkatitigang muli

"sino ang babaeng ito?" " anong parte niya sa buhay ko?" "bakit kaya siya luhaan?" maraming katanungan ang pumapasok sa aking isipan bagay na hindi ko magawang solusyunan