nabigla si Jan sa narinig, hindi siya halos makagalaw sa kanyang kinauupuan, "uhmmm ahhh ganun ba hehe, Congrats Pau!" habang nagsisimulang tumulo ang luha sa kanyang mata, bigla na lamang ito napatayo at pinunasan ang mga mata "hehe, ahh maalikabok pala dito napuwing ako, congrats sa inyo ni Marc bagay kayo paano una na ako may gagawin pa pala ako ingat ka na lang" nagmamadaling sabi ni Jan at umalis ngunit nahawakan ni Pau ang kanyang braso "Jan, sorry" "wala yun" sabi ni Jan sabay ng isang pilit na ngiti sa dalaga
naglalakad si Jan pauwi sa kanila habang tuliro at tila wala sa kanyang tamang kamalayan, tumutulo ang luha nito sa kanyang mata, matinding sakit ang kanyang nararamdaman, naalala niya ang bawat sandali na magkasama sila ni Pau, masayang nagtatawanan, nagkukulitan, araw - araw sa lilim ng puno magkatabi sila panatag ang loob niya, bagay na wala na siyang hihilingin pa ngunit ngayon iba na ang hatid sa kanya *matinding busina ang nanggaling sa sasakyan* "magpapakamatay ka bang hayop ka?" sigaw ng mamang bumaba sa kanyang sasakyan, sa pagkagulat sa nangyari bigla na lamang ito napaatras, napaupo at tuluyang napaluha sa gitna ng daan
dito muling nagsimula ang palagiang pagkukulong ni Jan sa kanyang kwarto, hindi makakain at palaging lango sa alak, pilit niyang inaalis sa kanyang isipan si Pau, ang kanyang pagmamahal na nararamdaman para sa dalaga, palagi na itong umaabsent sa kanyang klase kung pumasok man ay tuliro at hindi makapokus sa mga aralin, dagdag pa rito ang selos na dulot na nakikita niyang masaya si Pau kasama si Marc, iniisip na kung sana noon pa lamang ay sinabi na nito ang tunay na nararamdaman at hindi natakot marahil masaya sila ngayon sa piling ng isa't isa, madalas kasi nagkakaroon na tayo ng pagkakataon sa isang bagay pero mas nauuna nating maramdaman ang takot at nauuwi na lamang na nanghihinayang at luhaan
madalas ang pagpunta ni Jan sa mga bar, kasama ang iba't ibang babae sa ideyang sa pamamagitan nito makakalimutan si Pau ngunit nagkamali ito at mas lalo lamang niya narerealize kung gaano ang naging tama na naidulot sa kanya ni Pau, palaging hanap - hanap pa rin nito ang dalaga

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento