hanggang kelan ba tayo kakapit sa isang relasyon? ano ang kailangan nating tiisin para masabing hindi ka nagkulang, hindi ka sumuko
ano ba talaga ang batayan ng tunay na pagmamahal?
ako si Jan, isang normal na binata, hindi alam ang patutunguhan, magulo at walang direksiyon sa buhay, sakit ng ulo ng pamilya -- pero hindi naman ako ganito, sa loob - loob ko may Jan pa rin naman na nangangarap at naghahangad ng pagmamahal at kasiyahang minsan ng pinagkait at hindi na naibalik
"ano ba ang balak mo sa buhay mo?", "hanggang pasang - awa ka na lang ba?", "talaga bang yan na lang pangarap mong makuha?" -- sa paggising ko sa umaga yan ang palagi kong naririnig sa kanila, bulyaw dito bulyaw doon hindi ko nga alam kung bakit hindi sila nagsasawa kasi ako memorize ko na ang bawat linyang yan malas na lang nila kasi hanggang tungo na lang ang maisasagot ko sa kanila, anong magagawa ko yan ang kaya ng utak ko, kahit anong intindi ko sa mga bagay - bagay hanggang pasang - awa lang ang nakukuha ko, hindi ko naman ginusto to e eto talaga ako e hindi ba pwedeng mahalin nila akong ganito?
"lahat ng nakuha ng 45 points pababa tumayo" -- pusang gala nakuha kong grado 40 points lang, tingin ako sa buong klase walang tumatayo takteng yan bida na naman ako, walang ibang choice kundi tumayo "Mr. Manalo, leave the classroom now!" -- kinuha ko ang gamit ko at nakatungong lumabas ng kwarto, haist! buhay nga naman ano ba problema Jan? katakot takot na sermon na naman to, makakain na nga lang, wala naman akong magawa kundi tumabay sa eskwelahan habang hinihintay ang oras ng susunod kong klase, habang nakahiga sa school grounds gandang ganda ako sa kalangitan, maaliwalas at maliwanag nakakarelax na pagmasdan, masarap sa pakiramdam na kahit sa ganitong pagkakataon nakakatanggap ako ng katahimikan
"tangina naman ang sakit!" nasabi ko habang may bolang lumipad papunta sa ulo ko, "bakit kasi nakaharang ka jan, alam mong may practice dito!" ang sabi ng isang babae, "miss, ako na nga nasaktan dito diba, bulyaw pa maririnig ko sayo?" ang tugon ko sa kanya sabay alis ng school grounds, naisip ko na lang ganun ba talaga ako kamalas? minsan na nga lang makadama ng katahimikan sakit pa rin ang aabutin ko? "hoy! pasensiya na! sa susunod mag - iingat ka" ito ang mga katagang narinig ko sa kanya ng ako ay lumingon upang siya ay tignang muli, pabalik na siya sa paglalakad patungong practice nila -- doon na lang nagrehistro ang imahe ng maganda niyang mukha, chinita, matangos ang ilong, mapulang labi, mala - anghel na mukha bagay na nagbigay ngiti sa akin, parang nawala tuloy ang sakit sa pagkakatama ng bola sa ulo ko "miss! ako nga pala si Jan, ikaw?" sigaw ko sa kanya, "miss! anong pangalan mo?" tinignan ko siya habang patuloy siya sa paglalakad, "maganda pa naman sana kaso masungit" sabay lingon sa akin at sabay nag - iwan ng isang matamis na ngiti balik sa paglalaro, hay bagay na nagpasaya sa buhay ko, nasabi ko na lang sa sarili ko malalaman ko rin ang pangalan mo

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento