sinimulan kong kunin ang bag ko at ng siya'y balikan ko na wala na siya, hinanap ko sa buong paligid kahit anino niya hindi ko na matanaw "sino ba ang babaeng iyon at tila bula na biglang nawala" o shit! malalate na ako sa susunod kong klase

natapos ang buong araw ni Jan na may tanong pa ring gumugulo sa kanyang isipan, hindi mawala ang alaala nito sa babaeng nakita "bakit ko siya nakilala sa aking panaginip?" magulo at lalong gumugulo ang kanyang pag - iisip, tulala sa kisame ng kanyang kwarto hanggang sa makatulog isip pa rin ang babaeng nakasama sa may puno

bawat araw hinahanap niya ang imahe ng babaeng kanyang nakita, panay siyang bumabalik sa punong iyon sa akalang makikita niya itong muli ngunit siya'y bigo, nagtagal ang ganitong sistema napapadaan sa school grounds tumatambay sa ilalim ng puno pinagmamasadan ang bawat babaeng napapadaan kanyang harapan
isang hapon habang naghihintay ng pampasaherong jeep na masasakyan pauwi sa kanilang bahay biglang bumuhos ang malakas na ulan, wala itong dalang payong naghanap ng malapit na masisilungan, nakita ang waiting shed at mabilis na tumakbo dito, hindi niya malaman kung paano ipapagpag ang sarili dahil sa ulan, sa dami ng tao nagsisikan pa sa lugar ng shed walang nagawa kundi maghintay hanggang sa tumila ang ulan hanggang sa nakita niyang muli ang babaeng inaasam, "siya yun!" sa paglingon niya sa bandang harap napansin niya ang isang babae, tahimik ito at tila naghihintay lamang din ng pagtila ng malakas na ulan, hindi niya malaman ang dahilan ng biglaang kabog ng kanyang dibdib wala na itong nagawa kundi pagmasdan ang bawat ikinikilos nito, unti - unti siyang lumapit sa babae hanggang sila ay naging magkatabi na hindi niya malaman ang gagawin "natatameme na ata ako"

unti - unti ng tumila ang ulan, nagpapakita na rin si haring araw, nawawala na din ang mga tao sa kanyang paligid maluwag na ang waiting shed ng makitang nagsimula ng umalis din ang babae, hindi niya malaman ang gagawin ang sumunod na lamang na alam niya ay sinusundan na niya ito kahit hindi malaman kung saan papatungo

minamasadan ko ang kanyang mukha, nabibighani pa rin ako sa mala - anghel niyang ganda, pilit kong hindi ialis ang paningin sa iyo nangangambang baka ikaw ang biglaan na namang maglaho "ano ang kailangan mo?" ito ang namutawi mula sa bibig ng dalaga, hindi malaman ni Jan ang sasabihin napapatulala ang binata dito hindi niya halos maibuka ng maayos ang bibig nito -- hanggang sa siya ay huminto sa harap ng dalaga "ako nga pala si Jan, Jan Manalo" "gusto sana kitang makilala" sabay abot ng kamay sa dalaga upang makipagkilala, inabot naman ito ng dalaga at nakipagkamay at sinabing "mag.iingat ka!" "pak!" "ouch!" ani ng binata hindi nito namalayang may poste na sa kanyang dinaraanan habang patalikod na sinusundan at sinusuyo sa pagkilala ang dalaga, "hahaha!" isang masarap na tawa ang kanyang narinig mula sa dalaga "hahaha!" bagay ba nagbigay tuwa at sigla sa kanya habang pinagmamasdan ang masayang pagtawa ng dalaga "sa susunod mag - iingat ka, ako nga pala si Pauline, Pau na lang" muli niyang naramdaman ang lambot ng kamay ng dalaga sa kanilang muling pakikipagkamay "masaya at nakakatuwang tagpo bagay na hindi matutumbasan na kahit na ano sa buhay ko" ang nasa isip ni Jan habang inaalala ang tagpong kasama niya si Pau