nagkita muli si Pau at Jan sa canteen, break time ng mga oras na yun hindi alam ng binata ang nangyari pero alam niyang hindi normal, hindi naman sila ganito dati e, hindi rin alam ni Jan ang gagawin tanging ngiti lamang ang nagawa nito sabay yuko at pagmamadaling naglakad palayo kay Pau, "kamusta ka na Jan?" sabi ni Pau biglan naman itong napahinto at sinabing "okay naman ako" hindi pa rin nito nilingon ang dalaga bagkus nagpatuloy sa paglalakad

nagpatuloy ang panlalamig ni Jan kay Pau na hindi nagugustuhan ng dalaga, si Jan naman walang ibang magawa kundi lumayo kahit tila sinasaksak nito ang kanyang puso sa tuwing iiwasan ang dalaga "ano ba ang kailangan kong gawin?"

nagpatuloy ang ganitong sistema sa pagitan nilang dalawa, hindi na sila madalas magkita ngunit nananatiling nakaupo at naghihintay si Jan sa ilalim ng puno baka sakaling makarating si Pau sa kanilang tagpuan
ayaw ko na ng ganito, hindi ko alam kung makakayanan ko pa ang nararamdaman kong to kailangan kong lumaban, kailangan masabi ko na ang tunay kong  nararamdaman, kailangan malaman na niya na ako ang tunay na nagpapadala sa kanya ng mga sulat, kailangan malaman na niya na matagal ko na siyang mahal ito ang nasa loob ng kaniyang isip, bilis ng bawat pagtibok ng puso may pagkahalong kaba, saya at excitement ang kanyang nadarama "kailangan ko makita si Pau" ang masiglang sabi ni Jan

mabilis na lumabas ng klase si Jan upang pumunta sa kanilang tambayan, pawisan at nilalamig ang kaniyang katawan bagay na hindi niya ininda ang mahalaga ay masabi ang kanyang nararamdaraman
"Pau, pwede ka ba makausap?" ang sabi ni Jan, "oo naman, miss na nga kita ano ka ba sige doon tayo sa may hagdanan" sabi ni Pau at nagtungo nga ang dalawa sa may hagdanan at umupo "alam kong mali, hindi ko rin naman ito sinasadya marahil naduwag lang ako, hindi ko rin kasi alam ang dapat na gawin, sa paglayo ko sayo pasensiya ka na hindi ko kasi alam kung ano ang pwede kong gawin, Pau simula nung nakita kita hindi ka na naalis sa isip ko, ikaw ang palaging sumasagi dito laking tuwa ko nga nung nakita kita, nakilala at naging kaibigan, sa bawat araw na magkasama tayo lalo akong napapahanga sayo, gusto ko palagi tayong magkasama, kwentuhan, kulitan, tawanan Pau mahal kita! naging duwag ako na sabihing kapatid lang ang turing ko sa iyo, at nung nalaman kong nanliligaw sayo si Marc para akong binuhusan ng malamig na tubig, hindi ko alam ang gagawin naduwag ako pero heto ako sa harap mo, Pau mahal kita!" hinawakan ni Jan ang kamay ni Pau " Pau, mahal kita, ito ang tunay na nararamdaman ko, mahal kita" inalis ni Pau ang kamay ni Jan sa kanyang kamay na ikinagulat ng binata, "Jan, kami na ni Marc, sinagot ko na siya"